CHAPTER 17: 42 HOURS WITH RYU VANDER MORISSON (Part 2)

324K 12.6K 14.8K
                                    

Chapter 17: 42 Hours with Ryu Vander Morisson (Part 2)

12 NN 7 PM

Hinihintay namin ang order namin at nakasandal lang siya habang mahinang tinatapik ang kamay sa mesa.

"Kumakain ka pala sa mga ganitong fastfood. I thought sa mga high class restaurant lang", wika ko bilang panimulang usapan.

He scowled at me. "Cowboy ako kaya kumakain ako kahit sa ala cart."

"Hindi halata", wika ko and I rolled my eyes at him. He's not letting out his familiar annoying smirk kaya tantiya ko ay nagugutom na ito. When I glanced at my watch, it's almost one. "Nagugutom ka na ba?"

"Yes."

Sinasabi ko na nga ba. Sana palagi na lamang itong gutom upang maging mabait ito— err. No, I mean not mabait but tahimik rather. I guess having him starved would mean peaceful to me. "Sana gutom ka palagi para tahimik ka."

Sumimangot siya sa akin bilang tugon. "I'm not quiet because I'm hungry."

"Nahiya pang aminin. Pfft!"

He sighed. "It's not really like that. I'm thinking of a big problem." Wika niya at patuloy na tinapik-tapik ang mesa. Well it might really be a big problem.

"Ano?"

"I think I got us  lost and we have no enough fuel left", he said in a serious tone.

"Sus iyon lang naman pala. Akala ko pa — what the hell?!", I exclaimed. Did he just say we're lost? I looked around the area and it's not really familiar. Wala rin masyadong tao sa fastfood house. May dalawang pares na kumakain doon kaya lumapit ako sa kanila at nagtanong.

"Excuse me. Alam niyo ba ang daan papunta sa main highway?", I asked them but their answers were both no. Napadpad din daw sila doon at nawala rin. When I asked if they have extra fuel, wala din daw dahil naka-motor lamang sila.

I went back to my chair in front of Ryu na nakahimutok pa rin. Hindi nagtagal ay dumating na ang order namin kaya tinanong ko ang nagserve sa amin ng parehas na tanong na tinananong ko sa dalawang pares kanina.

"Naku Ma'am. Hindi po eh. Taga-baryo po kami at gumawa lang kami ng fastfood dito dahil marami po talagang naliligaw dito pero sabi ni Ate, malayo pa raw talaga yung main highway. Kung naghahanap naman po kayo ng gasolina, may alam po akong nagbebenta kaso nasa baryo po", wika ng lalaki.

"Di bale na basta makabili kami. Saan ba?", I asked. We badly need fuel. God! Bakit ba kasi napasok ako sa ganitong sitwasyon? Curse this devil to death!

"Doon po sa may eskinita. May makitid po na daan doon, kailangang lakarin, tapos may makikita kayong mga bahay kubo dun."

"Yun na?"

"Hindi po. Lalagpasan niyo lang yung bahay kubo. May makikita kayong burol doon, tapos may maliit na sapa. Kailangan ninyong tawirin pero maliit lang naman yun. Tapos makikita ninyo yung bahay na medyo malaki, gawa sa kawayan yung ibaba."

"Yun na talaga yun?"

"Hindi rin po."

Bigla na lamang napatayo si Ryu at kinuha ang tinidor na nasa harap. He grabbed the guy in his collar at itinutok ang tinidor dito. Nagulat ang iilan na naroon sa ginawa niya, maging ang lalaki.

"Are playing a joke on us? If yes, well it's not funny. If you wanna live a longer life, umayos ka!", he said at padabog na binitawan ang lalaki.

"P-pero totoo naman po yung sinasabi ko", wika ng lalaki. He was shaking with fear. Who wouldn't be? An angry Ryu is not a pleasant sight. "Lagpasan niyo po yung bahay na kawayan ay may makikita kayong maliit na tindahan. Doon po, nagbebenta sila ng gasolina. May mga kabahayan na kasi doon. Mauna na po ako." The guy immediately ran towards the kitchen.

DETECTIVE FILES. File 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon