Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton

40.5K 413 56
                                    

Author's Note:

Dedicated sa kanya dahil may naisip akong isang napakagandang scene dahil sa comment nya! Grabe dear ang laki talaga ng naitulong ng comment mo sa akin kaya marami salamat! Thank you for sharing your opinion to me. Thank You! ^O^)/ 

Kaya gusto kong nagbabasa ng comments eh. Marami akong natutunan sa mga readers tungkol sa mga opinyon nila sa story. It's a way for me to improve my writing kaya sa mga walang sawa na nagcocomment. Maraming salamat <3 *hugsssssss* 

Enjoy!

♥♥♥

Chapter 25 

Lunes na naman. Panibagong araw. Panibagong simula.

Ang magandang balita para sa paninimula ng araw na ito ay sa wakas nagkaayos na kami ni Julian! Pagkauwi ko sa bahay pagkatapos ng date namin ni Jace sa cruise kahapon, sinabi ko sa kanya na nasabi ko na. Alam naman ni Julian na may isa akong salita kaya agad nya akong pinatawad. Niyakap ko sya ng napakahigpit at ganun din sya sa akin. Humingi ako ng tawad at sinabi na magmula ngayon ay hindi na ako maglilihim sa kanya. Kaya pagkatapos ng araw na yun ay ayos na kami! 

Hindi ba't napakagandang balita iyon para sa araw na 'to? Gusto kong tumalon sa tuwa! Pero sa ikabilang banda, meron pa rin akong problema. Ayaw ni Jace na lumipat ako ng school. 

What to do? 

"Hoy! Freak!" 

Huminto ako saglit sa paglalakad bago tumingin sa paligid. Napakaraming tao dahil magsisimula na ang klase para sa araw na 'to.

Ako ba ang tinatawag o pinaglalaruan lang ako ng pandinig ko? Nagkibit balikat na lang ako matapos walang makitang pamilyar na mukha sa paligid. Sabay kaming pumasok ni Jace kanina pero pinatawag sila ni Mr. Valdez sa music room para sa isang meeting tungkol sa Princeton Band. Hindi na ako sumama dahil magmula ng bumalik ako sa Intricate Band, umalis na rin ako sa Princeton Band. Gayunpaman, nangako ako na kung kailangan man nila ng girl vocalist ay lagi lang akong standby. Nakakamiss nga eh ang kaso, isa lang naman ang katawan ko at hindi ko kayang pagsabayin ang dalawang banda na naging parte na ng buhay ko. Isa isa lang, hep hep hooray muna, mahina ang kalaban. 

So for this school year, Princeton Band is back to the all boy band mode. How cool is that? 

"Freak! Sabi ng tumigil ka eh! Bingi ka ba?" 

May humigit sa braso ko kaya bigla akong napahinto. Nagulat ako ng makita ang isang hinihingal na Clarisse sa harap ko. 

"Ano ba? Papagudin mo ba talaga ako ha? Bwisit ka! Kapag talaga nagkapasa pasa ang paa ko ng wala sa oras lagot ka sa akin!"

Napatunganga ako sa inis na inis nyang mukha. Ano naman kayang problema nito? 

"Sino ba kasi ang nagsabing habulin mo ako?" taas kilay kong saad sabay lagay ng isang kamay sa bewang "Sinapian ka yata at hinahabol mo pa ako ngayon para lang kausapin. Anong nakain mo? May sakit ka ba? Nagbago na ba ang isip mo at nagpa-convert ka na rin from being my number one hater to my number one fan? Kailangan mo ng autograph? Papicture? I'm sorry but I'm busy." Patuloy ko sabay flip ng hair at talikod sa harap nya. May tawang gustong umalpas sa bibig ko pero pinigilan ko.

That was not so me. Kailangan pa ako naging Clarisse?

"Gaga. Sa tingin mo ba kung hindi dahil sa misyon na yan eh kakausapin pa kita? Heck no! I would rather spend my time doing shopping or partying all night. And for your information, I'm a fan of Intricate band because of Julian and not because of you. Kaya wag mong masyadong palakihin 'yang ulo mo. Remember, you might be famous but not everyone likes you."

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon