4: Party, T and Dream

27.9K 1K 172
                                    

Sa wakas ay natapos na ang Moonless Week. Makakatulog na siguro ako nang mabuti mamayang gabi. Isang linggo rin akong walang maayos sa tulog nang dahil sa hunting week ng mga bampira.

At sa loob ng mga araw na 'yun, nagawa kong masanay sa pagbabagong ito ng mga buhay namin. Maging si Max ay nakikita kong patawa-tawa lang kasama si Lorenzo.

Si Rianah ang pinoproblema ko. Tahimik pa rin siya at nakatitig lang sa kawalan. Buti na lang nagre-respond siya kay Raye. Hindi ko inakala pasensyosa si Raye kahit na hindi sumasagot ang kapatid ko gamit ang mga salita.

"May party mamayang gabi sa plaza," sabi bigla ni Faizah habang nagha-harvest kami ng mga lettuce.

"Mamayang gabi? Hindi ba nakakatakot?" tanong ko.

"Hindi na. May kontrol na sila kaya wala na tayong dapat na ikatakot."

"Pero may human blood pa rin siya, Faizah," sabad ni Grams. "Maaamoy pa rin nila ang dugo n'ya at baka matukso lang sila lalo na at kakatapos lang ng Moonless Week. Para sa atin hindi na 'yun delikado pero ang isang patak ng mortal na dugo ay delikado pa rin."

"Sabagay," sang-ayon naman ni Faizah.

Mapa- Moonless Week man o hindi, nanganganib pa rin kaming magkakapatid dahil sa human blood namin? This was just so great.

"Pero gusto mo bang pumunta, Savannah?" tanong ng matanda.

"Ang party ng mga vampires ang pinakamasaya sa lahat lalo na 'pag hosted nina Nadine at Matteo," excited na sabi ni Faizah.

"Pero delikado nga ako 'di ba?"

"Kung gusto mong pumunta, pwede kitang gawan ng proteksyon," anang matanda.

"Talaga Grams? Oh sige na, Savannah. Sumama ka na," ang laki ng ngisi ni Faizah. Mukhang gustung-gusto nga niya ang party na 'yun.

Akala ko ba hindi nakikisalamuha ang mga bampirang 'yun sa katulad namin? Bakit magpapa-party sila?

"Lage nilang ginagawa ito pagkatapos ng Monnless Week. Parang thanksgiving party nila," ani Faizah.

Pero handa na ba akong lumabas at makisalamuha sa mga kauri nila? Handa ba akong i-risk ang kaligtasan ko lalo na at ang mga batang bampira pala ang host? Baka sila ang mas aggressive at hindi kontrolado ang mga sarili. Hindi naman ako mahilig sa mga parties kaya hindi kawalan sa akin ang hindi pagpunta.

"Hayaan mo, pupunta rin naman ako kaya dalawa kaming magbabantay sa'yo," biglang sabad ni Lorenzo.

"Oh 'yan pala eh. Pupunta tayo and it's final," deklara ni Faizah.

Hindi na lang ako sumagot. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

Pumasok na sa bahay ang Lola nila at sisimulan na raw niya ang paggawa ng aking proteksyon.

"Mag-e-enjoy ka d'on, promise," nakangiting sabi ni Faizah.

So normal lang pala ang buhay nila dito kapag hindi taggutom ng mga bampira?

Hindi pa rin ako mapanatag kahit anong gawin ko.

Tumulong kaming magkakapatid sa garden buong araw. Kinahapunan naman ay naglinis ako ng bahay. Pagod na pagod ako at mukhang wala na akong lakas upang magpunta sa party mamayang gabi.

Pabagsak akong naupo sa sofa habang ang mop ay nasa paanan ko.

"Ate, okay ka lang?" tanong ni Max. Karga n'ya si Rianah na nakayakap sa leeg n'ya habang natutulog.

"Oo naman. Kayo ba?"

"Gusto ko ang lugar na 'to kahit na nakakatakot. Mababait kasi sila sa atin kahit isang linggo pa lang tayo rito. Parang pamilya na tayo," aniyang nakangiti pero nawala iyun bigla. "Si Raye nga lang. Parang ayaw niya sa atin."

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon