Chapter 27

36.3K 1.1K 237
                                    


Nissan's POV

"Sakin 'to!"

"No, sakin ito!"

"Sakin nga 'to, ang kulit mo!"

"Hindi ako makulit, nakakatatlo ka na, ako dalawa pa lang."

"Bakit kaninong bahay ba ito? akin 'di ba? kaya akin 'to. Ako masusunod dito!"

"Wag mong kalimutan ang sinabi ni Tito. I can do whatever I want here."

"I don't care, pera ko ang ginamit sa pamimili ng pagkain dito!"

"Liar, kinukuha mo lang din naman ang mga pagkain na 'to sa grocery store nyo. So, sa kanila Tito pa din galing."

"For your information, ang layo ng grocery namin dito kaya sa palengke bumibili si maid! bitawanan mo na ang manok ko!"

Nakatingin lang ako sa dalawang nag-aaway sa isang manok na natitira sa lamesa. Simula kahapon, nagbabangayan na yung dalawa at nagtatalo sa maliit na bagay. Para silang mga bata.

"Tig tatatlo lang tayo kaya akin 'to!" inis na sabi ni Kris.

"Walang patakaran dito kung tig-ilan tayo sa pagkain kaya manahimik ka dyan!" inis din na sabi ni Left. Nakatayo na ngayon sila at naghihilahan sa manok.

Napabuntong hininga ako. Hindi ata sila titigil sa pagbabangayan hangga't walang sumusuko sa isa sa kanila pero parehas silang ayaw sumuko kaya hindi talaga titigil ang bangayan nila.

Napatingin ako sa labas nung marinig kong may nag-doorbell. Hindi na ako nag-excuse sa dalawa dahil alam kong hindi din nila ako papansinin dahil busy sila sa bangayan. Pinagbuksan ko ang nag-doorbell at nakita ko si Jade na naka-pajama pa at may dalang unan. Bigla naman akong nagtaka sa itsura nya.

"Morning Nissan, nandyan pa ba si kaliwa?" tumango ako sa tanong nya at nag-give way para papasukin sya.

Pumasok kami sa loob at pumunta sa kusina. Sinundan ko lang si Jade dahil doon sya papunta.

"Bitaw!"

"No, ikaw ang bumitaw!"

Napatingin sakin si Jade na nagtatanong kung anong nangyayari pero nakitbitbalikat lang ako. Lumapit sya sa dalawa at mabilis na kinuha yung manok na pinag-aagawan nila at kinain yon. Napanganga naman yung dalawa sa nangyari.

"What the fuck Jade?!" inis na sigaw ni Left at kinuwelyuhan si Jade. "Bakit mo kinain yung manok? bakit ka nandito?!"

"Easy kaliwa! nagugutom na ako eh. Yun na lang natitirang pagkain kaya inagaw ko na sa inyo tsaka pinag-aawayan nyo yung manok, mas mabuti pang ako na lang kumain." sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay kaya nahulog yung unan nya.

"Tsk.." binitawan na ni Left si Jade. "Ano bang ginagawa mo dito at nakapangtulog ka pa?" kunot ang noo na tanong ni Left.

"Nag-away sila Mama sa bahay eh ang ingay nila parang nakalunok ng microphone sa lakas ng mga boses nila." sagot ni Jade. Naupo si Jade sa upuan at pinapak yung manok.

"Ano ka pa? pero bakit nag-away sila Tita?"

"Pinag-aawayan nila kung saan sila magbakasyon." parang wala lang kay Jade na sabi.

"Yun lang?" tumango si Jade kay Left.

"Buntis si Mama." sabi ni Jade na ikagulat ni Left. Nagtaka naman ako, bakit ganon reaksyon non?

"Seryoso? ang tanda na ni Tita para mabuntis ulit. Sabagay buntis din naman si Mama."

"Ewan ko sa kanila." 

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon