Chapter 2

1.4M 48.8K 21.1K
                                    

Paper balls

Jay-jay's POV

Dahil medyo late na ko dumating sa klase binigyan ako ng copy ni Sir ng mga naging lesson nila. Buti nalang at hindi pa ganun kalayo ang naging lecture nila.

English Teacher si Sir Alvin at sya rin ang adviser ng Section E. Medyo naging panget ang start ko sa class section na to pero sa ngayon medyo tahimik na.

*Tik *Tok *Toink

Binabawi ko na! Hindi pa ko natatahimik! Multo lang?

Kanina pa ko binabato ng papel dito sa pwesto ko. Maliit na binilog bilog na papel lang yun. Kapag naman nililingon ko kung saan galing patay malisya naman ang buong klase.

Anu ba?! Inaano ko ba kayo?!

Umabot kami sa sunod na subject at ganun pa rin ang eksena. Nagkalat na yung mga papel sa paligid ko.

Kalma lang Jay, iniinis ka lang ng mga yan!

Muli ako nag-focus sa lecture, kagaya ni Sir Alvin binigyan din ako ng sunod na teacher ng copy ng naunang lesson.

Busy ako sa pagsusulat ng bigla kong naramdaman na may tumama sa buhok ko. Hinawakan ko yun at naramdaman ko agad ang.... basa?

Basang papel ang binato nila sakin. Hindi na kailangang itanung kung saan galing ang tubig. Bibig lang ang fastest and easiest water source ng isang tao at ang dulas na medyo malagkit.

Yack! Eeewwww!

Agad akong kumuha ng tisyu at alcohol sa bag ko. Girl scout to boy!

Natapos ang mga sunod nami'ng klase at ganun pa rin ang eksena. Punyeta!

Paglabas ng teacher agad akong tumayo at humarap sa buong klase. Matalim ang naging titig ko sa kanila'ng lahat.

"SINO BA YANG BATO NG BATO SAKIN?!" Galit na sigaw ko.

Walang kumibo kaya magsasalita pa sana ko ulit ng bigla'ng itaas ng lahat ang kamay nila. Lahat yun may lamang lukot na binilog na papel. Paper balls ang tawag dun, yung bilog na bilog sa kakalukot at parang sing-laki ng mansanas.

Lahat sila naka-amba na sakin. Patay!

Nakita ko si Keifer na nag-smirk. Tumayo sya at pumorma na parang babato sa baseball game.

Nanlaki yung mata ko sa itsura nya. Anung pinasok mo Jay-jay?

Napalunok nalang ako at napapikit ng makita kong ibato nya yung paper ball sakin. Matapos tumama sa muka ko, sunod sunod na ang paper balls na naramdaman ko.

"Aarrrggghhhh..." Sigaw.

Hindi naman masakit pero hindi ako nakapalag at makagalaw sa sobrang dami. Kasabay ng pagbato nila ay mga tawanan.

"Sige pa.. hahaha"

"Marami pa dito.."

"Hahaha..."

Ang alam ko more than 15 lang sila pero bakit parang more than 100 yung bumabato sakin.

"Aarrgghhhhh... Anu ba?!" sigaw ko sa kanila pero walang talab yun syempre.

Wala akong nagawa kundi kuhanin ang bag ko at mabilis na tumakbo palabas ng room.

Hangang pinto binabato pa nila ko pero tumigil din sila ng makalabas na ko ng tuluyan.

Hindi rin ako tumigil sa pagtakbo hangang sa makalayo ako sa mismong building.

Grabe sila sakin! Sana pala hindi ko na lang sinagot yung Keifer na yun.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon