Chapter 3

1.2M 49.2K 31.1K
                                    

Cleaners

Jay-jay's POV

Nagsipasok na sila sa loob matapos nilang ubusin ang pagkain ko DAPAT at kami nalang ni Felix ang nasa labas. Pati pala si Keifer kumag andito din pero nasa malayo sya.

"Wala na sila... pwede ka ng maglabas ng chibog." Sabi nung Felix.

Ginawa ko naman at kinuha ko yung Nova. Kayalang hindi ko pa nabubuksan ng hablutin naman ni Felix yun. Anu ba?! Snatcher lang?

"Hoy! Aba naman!"

"Sorry... Favorite ko to eh!" Sabi nung Felix at naglakad palayo habang kumakain.

Nag-iisa nalang ako. Wala ng kukuha ng ilalabas kong pagkain. Hehe! Finally!

Nilabas ko na yung cheappy. Kayalang ang lintik... hawak ko pa lang ang Tear Here may humablot na naman sa kamay ko.

Aaarrrgggghhhhh.... Anu ba?

Tinignan ko ng masama yung animal na nanguha ng pagkain ko.

Si Keifer?

"Anu ba?! Hindi ba uso dito manghingi?! Kung nagugutom pala kayo magsi-bili kayo!!"

Tinignan din nya ko ng masama. "Hindi kami makakabili.." Halos pabulong nyang sabi.

"Anu?!"

Hindi nya ko pinansin. Pumasok lang sya sa room habang kinakain yung chutchirya ko. Kaasar naman!

Binalik ko sa dati yung table at chair na kinuha ko. Inayos ko na rin ang sarili ko.

Pagpasok sa loob parang bumaha ng paper balls. Sobrang puno'ng puno yung sahig at sa bawat hakbang ko hindi pwedeng walang masipa or tumalsik.

Hindi man lang nila nilinis. Ibang klase!

Naupo na ko sa pwesto ko. Kung saan ako ang tuldok sa gitna ng U. Gitnang-gitna naman kasi ako.

Masyadong tahimik ang paligid masama ang kutob ko kapag ganun. Lumingon ako sa likod para tignan sila.

Sa awa ng langit wala namang milagro sa likod ko. Kumakain lang si Felix at Keifer ng chutchirya'ng binili KO!

KAPAL!

Paka-namnam pa nila yung bawat subo nila ng pagkain. Ang weird lang dito eh yung mga classmate kong takam na takam sa nakikita nila. Nakasunod ang mga mata nila sa kinakain nung dalawa.

Hindi ba sila pinapakain?

Pati ako napatitig sa pagkain nila. Nang-iinggit kasi yung hayop, with sarap-na-sarap expression pa ang gunggong.

Kapal muks!!

Binalik ko ang tingin sa harap. Lalu lang ako naiimbyerna sa ginagawa nila. Akin yun eh! Akin dapat yun!

Sa wakas tumunog ang bell at dumating ang teacher namin. Sa itsura ng room namin expected ko na magagalit sya pero parang wala lang sa kanya yung mga kalat na nasipa nya.

"Ang room nyo bagay na bagay talaga sa inyo." Bored na sambit nung teacher.

Mag-uumpisa na sana syang magturo ng makita nya ko. "Bakit may babae dito?"

"T-transferee po.." sagot ko.

"Ahh.. Yung Jasper Jean Mariano?"

Nag-smile naman ako. "Opo."

Binigyan nya ko ng ah reaction bago harapin ang libro nya. Kagaya ng mga naunang teacher binigyan din nya ko ng mga lesson na hindi ko naabutan.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon