Chapter 5

1.2M 47.8K 21.2K
                                    

Dreams

Yuri's POV

Blurred ang paligid. Walang malinaw pero may nakikita kong gumagalaw. Lumapit ako dun at unti-unti'ng lumiwag at luminaw ang lahat.

Si Ella, nagluluto sya at nakasuot ng apron.

"Ella? A-anung ginagawa mo dito?"

Tinignan nya ko at ngumiti.

"Diba eto ang gusto mo? Ang makasama ako."

Tama sya, yun ang gusto ko. Pero bakit hindi ako masaya. Dahil ba alam ko na hindi ako ang mahal nya.

"You should leave."

Tinignan nya ko na may pag-aalala. Umiwas lang ako ng tingin.

Bigla nalang nya binato yung sandok na hawak nya at sinira ang apron suot nya.

"Why you keep pushing people that love you, away from you?"

Bigla nalang akong nagising na basa ng pawis. Ayoko ng panaginip na yun. Ayoko syang napapanaginipan. Matagal ko na syang kinalimutan.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

"Bastardo! Walang nagmamahal sayo!" Sigaw ng kapitbahay naming bata sakin.

Wala akong nagawa kundi ang umuwi samin at magmukmok sa kwarto. Anong gagawin ko? ang bata ko pa, ang liit ko kumpara sa kanya.

At isa pa, yung mga sinabi nya totoo. Walang nagmamahal sakin.

Pinilit kong gisingin ang sarili ko sa panaginip na yun. Bangungot yun!

Napahawak nalang ako sa mata ko. Basa yun ng luha. Umiiyak pa rin ako ng dahil sa parehong panaginip. Ayokong umiiyak ng dahil dun. Walang dahilan para iyakan ko yung panaginip na yun!

Bumangon ako sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo para maghilamos. Tumingin ako sandali sa wall clock sa kwarto ko, 5:30 pa lang ng umaga.

Pagkatapos nun lumabas na ko at nagpunta sa kusina. Sa totoo lang wala ako'ng gana sa kahit na anung bagay pero kailangan kong maghanda ng almusal.

Nahihiya kasi ako kila Tita Gema kaya ako na ang gumagawa kahit marami silang katulong. Yun nga lang mukang nahuli na ko.

Nakahanda na ang almusal. Sayang yung bangon ko. Hanu ba yan?

"Haba naman ng nguso mo?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Kuya Angelo!

Lumapit sya sakin at ginulo yung buhok ko. "Mag-almusal kana."

Kayalang hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Kinagalitan nya kasi ako bago sya umalis. Medyo takot din kasi ako sa kanya.

May ginawa ba kong kalokohan nitong nakaraan?

Kapatid sya ni Aries, panganay na anak ni Tita Gema.

"Jay, anu pang tina-tanga mo dyan?"

"K-kuya, kelan kapa nakabalik?"

"Kaninang 3am, sa condo sana ko didiretso kayalang gusto ko muna sana'ng makita si Mama."

Nag-nod lang ako. Galing kasi syang Singapore. Sya na kasi ang nag-aasikaso ng mga business nila Tita don. Huli kaming nagkita nung nasa ospital si Lola.

Tanda ko pa yung itsura nya nun kulang nalang ibaon nya ko ng buhay. Buti nalang mukang good mood sya ngayon.

"Si Aries ba hindi pa rin umuuwi?" Tanung nya habang nagtitimpla ng kape.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon