CHAPTER 165

2.8M 71.2K 108K
                                    

DEIB'S POV

Nung makabalik sila Tob ay si Lee naman ang nagsayaw kay Kim.

Ngingisi-ngisi na si Tob sa harap ko kahit hindi ako nakatingin sa kaniya kaya naman alam ko ng bubwelta na siya ng mga pang-aasar niya. Kaya naman tumayo ako at muli'ng kumuha ng wine.

"Nampucha, nakakailang baso ka na, ah?! Lasingan?!" nanlalaki ang mga mata'ng pang-aasar na naman ni Tob. "Doon ka ulit sa TB! Maglasing ka at magkakanta mag-isa!"

"Tch, korni mo, dre, hahaha!"

"Sus, ano ba'ng ikinagaganiyan mo? Ang saya saya nito'ng party, oh! Sinisira mo!"

"I-Inaano kita d'yan!? Bwisit ka!" sigaw ko sa kaniya!

"Daig mo pa ang uniform na lukot na lukot! Masama ang mukha mo! Hindi ka gwapo ngayon, dre! Hindi ka gwapo---"

"Manahimik ka nga, ang ingay mo! Pareho kayo ni Lee! Tch! Ano ba'ng gagawin ko?! Ano'ng gusto niyo'ng gawin ko!? Tch! Naisayaw ko na lahat ng babae'ng lumapit sa'kin, andami dami niyo pa ri'ng sinasabi---"

"Kasi hindi ka naman ganiyan! Nakita mo na't lahat si Maxpein e parang wala'ng nagbago sa'yo, hahahaha! Hindi ka man lang ba natuwa'ng nakita mo na ulit siya?!"

Sino'ng matutuwa e nilayasan ka agad! Tapos hindi ka man lang tinext! Tch! Parang nag-effort lang para daanan ako at magpasikat! Hindi madali 'yung sakit na pinagdaanan ko dahil sa kaniya, ah! Hindi biro 'yon!

"Galit ka ba sa kaniya??" tanong niya at nung lingunin ko siya ay seryoso na siya. Hindi ako nakasagot. "Kasi kung galit ka sa kaniya ay maiintindihan ko ri---"

"Hindi ako galit." pigil ko sa kaniya at nangiti naman siya. "H-Hindi ko lang alam kung a-ano'ng mararamdaman ko." sagot ko at natahimik na siya.

Ang tagal niya'ng nawala at hindi ako handa sa pagbabalik niya..

Ang tagal ko'ng naghintay pero.. hindi ko inaasaha'ng ganito ang magiging pagbalik niya.. H-Hindi ko inaasahan.. H-Hindi ko talaga alam kung ano'ng mararamdaman ko.

Nagpatuloy sa pagsayaw ang karamihan at nanatili ako'ng nakaupo.

Marami ang kumilos pero parang nakahinto lang ang paligid ko.

Kahit pa tingnan ko sila isa-isa ay hindi ko sila nakikita.

I-Isa lang naman ang gusto ko'ng sabihin mo.. siguraduhin mo lang sa'king mahal mo ko.. m-mawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko, Taguro..

"Tara, Deib! Sayaw tayo!" bigla'ng yaya ni Kim kaya bumalik ako sa ulirat.

"H-Ha??"

"Sayaw tayo! Dali!" masaya'ng yaya niya at nangiti naman ako.

"S-Sige, hehehehe. Pagod na ako e."

"Ano ka ba! Dali na!"

"K-Kayo na lang, Kim. Dito na lang ako---"

"Nakatayo na ang lahat at sumasayaw, oh! Dali na!"

"H-Hindi na. Sige na, enjoy na lang." nakangiti'ng sagot ko at ngumuso naman siya kaya natawa ako. "Hahahaha. Sige na.."

"S-Sige na nga! Hmpt! Pero kapag naisipan mo'ng sumayaw.. lumapit ka sa'min, ah??"

"Sige.."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon