Chapter 8

1.1M 43.4K 18K
                                    

Polo

Jay-jay's POV

Ngayon ko ramdam yung kahihiyan na sinasabi nila. Although lagi na ko napapahiya dati pero iba to eh!

Uuwi akong may nakabalot na polo sa pwetan ko. Buti nalang at naawa sakin si Ci-N at pinahiram sakin yung polo nya. Tinupi ko yun ng tatlo para kumapal at binalot ko sa pwetan ko. Ginamit ko yung manggas pang-tali. Salamat nalang at ang laki ng Polo nya.

Para tuloy may design ang palda ko. Sobrang fitted tuloy sa may pwetan at hita ko. Ang hirap maglakad dahil pakiramdam ko matatanggal ang balot kapag nagkamali ako ng galaw.

Pinagtitinginan ako ng mga istudyante tapos magbubulungan. Hindi ko naman sila masisi dahil sa itsura ko.

Papalabas na ko ng school at kasunod ko yung mga hinayupak na may kagagawan ng kahihiyan ng buhay ko.

"Ci-N! Sexy ba?" Tanung nung classmate naming hindi ko pa know ang name.

"Oo.. kahit naka-sikeling kita ko yung kaseksihan." Sagot ni Ci-N.

May pumito sa kanila at bigla silang nagtawanan.

Mga hayop! Huminto ako sa paglalakad at tinignan sila ng masama.

"Don't get mad! It's a compliment!" Sabi nung Keifer at ngumiti ng nakakaluko.

"Fvck your compliment!" sigaw ko sa kanya.

Bumalik na ko sa paglalakad pero bigla nalang ako napahinto ng makita ko si Aries na nakatingin sakin. Shete! Ang masama pa! Kasama nya yung mga classmate nya at si...Kiko!!!!

Sobrang nakakahiya yung itsura ko! Pvtang'na naman kasi eh!

"Hey Jay!" Bati sakin ni Kiko habang nakangiti. Pero nawala din yun ngiti na yun na makita nya yung nakabalot sakin. "What is that for?"

"Ahh... Anu... Kasi----"

"Tinagusan sya!" Sigaw ni Ci-N mula sa likod at bigla silang nagtawanan.

Ay pvtang'na! Papatay na ko ng tao, malapit na!

Ramdam ko yung pag-init ng pisngi ko. Nagtawanan na rin yung mga classmate ni Aries dahil sa sinabi ni Ci-N. Pero si Aries seryoso pa rin ang muka na nakatingin sakin----hindi, nakatingin sya sa likod ko.

Bigla'ng naging seryoso yung muka ni Kiko. "Tell me Jay... Binu-bully kaba ng mga to?"

Ramdam ko din yung bigla'ng pagseryoso ng mga tao sa likod ko. Naku! Baka mag-simula pa ng away dito tong mga to!

"H-hindi... Ano kasi... T-totoo yung sinabi ni Ci-N... Woman thing lang to." Sana lumindol at bumuka ang lupa. Sobrang nakakahiya tong ginagawa ko!

"Sure?" Tanong pa nya.

Ngumiti naman ako at nag-nod.

"Ahh... Sabihin mo lang kung may ginagawa silang hindi maganda sayo. Ako'ng bahala" Sabi nya pa na parand handa talaga akong ipagtanggol.

Ahihihi! Pwede kiligin?! Kakakilig kasi tong crush ko na to! Tapos ngingiti pa. Feeling model ng toothpaste.

Partida! Hindi pa kami close nyan ah!

"Tss. Parang kaya mo kami." Parinig ni Keifer dahilan para lahat ng classmate nila Aries at Kiko maalarma.

Busit toh! Naghahanap talaga ng gulo!

"Of course kaya ko... Napabagsak ko nga si David kayo pa kaya."

Hala! Basag ulo din pala ito'ng lalaki na to! Okay... Bawas pogi points.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon