21

14.1K 388 8
                                    


Yazzy's Pov

Today is my rest day!Sa wakas!Makakapagpahinga narin ako.Masaya akong kumain,naligo at kung anu-ano pa,dahil good mood ako ngayon.

At isa pa kinuha ako ni Sara para maging bridesmaid.At susukatan kaming lahat sa Sabado.

Isa pa 2 months ang vacation ko dito so kailangan kong mag enjoy.

Napag isipan kong pumunta ng Mall,para makapag relaxing.Magdidisguise na lang ako.

Casual lang ang sinuot ko.

"Tay,mall lang po ako."sabi ko sa kanya.

"Sige anak,ingat ka ha?"tumango ako at hinalikan siya sa pisngi.

Mabilis akong nakakuha ng taxi.

"Sa mall po tayo."sabi ko.Naramdaman kong hindi pa umaandar ang taxi kaya tumingin ako sa driver.

"Ma'am Yazzy?"gulat na tanong niya.

"Yes po?"tanong ko.

"Ang ganda niyo po sa personal mam!Pwede po bang makapagpapicture at huminga ng autograph?Para na rin po sa anak kong idol na idol kayo."napangiti naman ako narinig ko.

"Pwedeng pwede po."nakangiti kong sabi.Naglabas siya ng cellphone niya na isang maliit lamang pero touchscreen.Buti na lang at may frontcam ito.

Ngumiti ako sa camera.

Sunod ay binigyan niya ako ng papel at ballpen.

Pumirma ako doon,at nagmessage na rin.

Pagkatapos ay agad na niyang pinaandar ang sasakyan.

Kwento siya ng kwento tungkol sa anak niya.Sabi niya,gustong gusto raw ako ng anak niya,at sobrang ganda ko daw.At napag alaman kong may sakit pala ang anak niyang iyon.

Bago ako bumaba ng taxi ay binigyan ko siya ng calling card ko.

"Heto Manong,huwag niyo pong ikakalat yan ah?Sa inyo lang po,tawagan niyo po ako sa number na iyan para makausap ko ho ang anak niyo."sabi ko.

"Naku,maraming salamat po Ma'am,tunay nga pong napakaganda pati ng ugali niyo."

"Maraming salamat po.Sige po una nako.Ingat po."sabi ko at bumaba na.Binayaran ko siya ng 1000 at hindi na humingin pa ng sukli.

Nagtataka kayo bakit ang bait ko?Kasi nakaranas na din ako ng ganyang buhay dati.At ngayon,heto isa na akong model,sikap lang ang kailangan para makaahon ka sa kahirapan.

Pinagtitinginan ako ng tao,habang naglalakad ako.

"Diba si Yazzy yun?Yung International Model?"

"Oo nga!Tara papicture tayo!"

"Ate Yazzy!Can we take a picture with you?"

"Sure."ngumiti ako at ngumiti.Nagsalitan sila ng dalawa niyang kaibigan.

"Napakaganda niyo po!Lalo sa personal."

"Thank you.Study hard Girls okay?"sabi ko.Nakangiti naman silang tumango.

"Una na ako."sabi ko.Tumango sila habang nakatitig sakin.

Maya-maya pa ay madami nang nagsipuntahan sakin kaya hindi ako makapaglakad ng maayos.

Hindi ko alam kung saan ako makakalabas dahil sa sobrang dami nila.

Sana pala din na lang ako gumala.

Napapikit ako ng mariin.Pero laking gulat ko nang may humila sakin palabas ng mall.

Tumigil kami sa parking lot.

"What are you thinking?Shopping alone?When you are an international model?"masungit niyang tanong.

"T-Thunder.."hindi siya sumagot at malamig akong tinitigan.

"It's been a long time Yazzy."

******

My Boss Is My Ex-boyfriendWhere stories live. Discover now