Chapter 9

1.1M 42.2K 18.9K
                                    

Order

Yuri's POV

"Anung sabi ni Ci-N?" I ask.

"Halata daw sugat nya sa muka... Hindi daw muna sya papasok." Keifer answer.

Nakarating kasi samin na nakipag-away sya. Pito daw ang nakaharap nya. Knowing Ci-N, alam naming kaya nya yun pero nung sinabi nyang may natamo syang sugat at pasa, malakas ang kutob naming hindi basta-basta ang mga nakalaban nya.

"Galing daw sya kila Jay-jay nung sinalubong sya ng mga luko." Dagdag ni Felix habang kumakain.

Napataas ang isang kilay ko. Jayjay?

"Anu namang ginawa nya dun?" Keifer ask.

"Hinatid ata..." Sagot nya kasunod ng malakas na pagdighay. 

Arrghh! Kadiri!

Tinignan ko sya ng masama. "Saan na naman ba galing yang kinakain mo?!" Galit na tanung ko sa kanya.

"Kay Jay-jay.."

Seriously?

Nagsalubong ang tingin namin ni Keifer.

"Akala ko ba, wala na dapat babae sa section na to? Bakit parang wala syang balak lumipat?"

"Ayaw nya eh.. Anung gagawin ko?" Keifer answer boredly.

"Baka kasi kulang pa yung ginawa nyo? Yung nauna sa kanya, isang beses nyo lang pinag-tripan."

"Talagang papaalisin na natin si Jay-jay? Sayang naman..." Singit ni Felix.

"Felix.. napag-usapan natin to dati diba?"

"Yeah..." He answer shortly.

Binalik ko yun tingin ko sa harap at inayos ang salamin ko. Hindi sa galit ako sa babae or something pero babae kasi ang naging dahilan ng kaguluhan namin.

Ayoko ng maulit yun. Napapagod na nga ako sa mga nangyayari sa bahay pati ba naman dito.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

Para akong tanga dito sa kotse ni Aries. Hindi kasi ako gumagalaw. Kung pwede ko nga lang pigilin yung paghinga ko, ginawa ko na kanina pa. Buti nalang hindi ako nauutot.

"Uhmmm.. Aries." Panimula ko pero diretso pa rin ang tingin nya. "..Alam kong galit ka sakin, gusto ko sana'ng mag-sorry----"

"Jay, your sorry won't change anything." Seryosong sagot nya.

"I-i know... I just want to----"

Bigla nyang hinampas yung manibela ng kotse. Medyo nagulat ako pero ganun pa rin yung itsura nya. Sayang yung english ko.

Ayoko'ng dagdagan ang galit nya sakin. "Aries... Paki-hinto yung kotse. Dito nalang ako."

Kayalang hindi nya ko pinansin at tuloy-tuloy pa rin ang kotse. Hangang sa makarating kami sa school at inihinto nya sa parking. Bababa na sana ko pero naka-lock pa rin yung pinto ng kotse.

Tinignan ko sya pero tahimik lang sya. He release a heavy sigh.

"Matagal bago mawala ang galit... Sundin mo nalang ang gusto ko at ni Kuya. Baka sakaling magbago yun."

Inunlock nya yung pinto at lumabas. Lumabas na rin ako agad at naglakad palayo sa kanya.

Baka sakaling magbago..

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon