Chapter 12: Fairies

4.3K 157 1
                                    







~*~













(Cashmere's POV)














WAH! Hindi ko na kaya! Anytime lalabas na lahat ng Milky Chikey na kinain ko. Grabe! Mas malala pa to sa Roller Coaster o Space---Wah! Nevermind.

"Ayoko na!" Reklamo ko habang umiikot ikot ng mabilis tong petseng caterpillar na to.

"Hahahahahaha." Pagtawa nang katabi ko.

Eto namang LuMAT na to tinatawanan pa ko. Lalo tuloy nakakainis.

Nauntog pa ako sa harap nang slime na pader nang bigla itong huminto. Tsk. Galing magbreak ah, playboy siguro to.

"Tara na." Aya ni Mat sa akin patayo.

"Talagang tara na, hindi na tayo babalik dyan." Busangot na sabi ko.

"Hahahahaha. Wag ka mag alala, sa Pegasus na lang ulit tayo sasakay." Pagtawa nya.

Talagang pinag-eeksperimentuhan nya ako eh no? Pegasus. Yun ata yung kabayong may pakpak.

"Ona. So, nasaan na tayo?" Tanong ko para malihis ang usapan.

Tinuro naman ni Matthew yung labas ng caterpillar na to.
Nagmamadali naman akong lumabas.

"............."

"Welcome to the Yellow Island kung saan narito ang iyong nakatadhanang Fairy!" Ngiting ngiting sabi ni Matthe habang pumapalakpak pa.

Fairy? Fairy'ng nakatadhana sa akin na maaaring iniwan ng mga magulang ko noon? Halong excitement, saya at lungkot ang nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwalang totoo tong lahat ng to.

"Uy Cash. Tara na ah?"

"Oo ba!" Masigla kong tugon.

Fairy ko, here I come.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapanganga. Para kasing forest tong Yellow Island na to. Nagkalat ang mga fairies. May color blue, green, red, pink, orange at especially yellow na damit. Ang cu-cute nila, ang puputi.

"Nandito na tayo." Automatic naman na napahinto ako dun.

Nanlaki agad ang mga mata ko sa nakita ko. Isang malaking palasyo ang bumungad sa akin. Halos kulay dilaw lahat. Nakakasilaw tuloy.

"Wag kang lalayo sa akin. Maaaring hilahin ka ng mga fairies na atat magkaroon ng master." Hilahin? Atat?

"Meron ba nun? Kala ko ba nakatadhana?" Kunot noo kong tanong.

"Hindi lahat. Dahil ang ibang fairies ay hindi nakapasa o di kaya'y namatay na ang kanilang nakaraang master at hindi na sila napasa pa sa iba. Kung tutuusin, para silang mga baliw na hahagikhik habang hinihila ka."

Kinilabutan ako dun. I don't know why.

"Hindi ba sila makakapagdesisyon sa kanilang sarili mismo? Eh paano pag yung sila mismo ang mamatay, paano yung master nila? Mawawalan na sila ng tuluyan ng fairy? Ang gulo." Tanong ko.

Hindi nya ako sinagot bagkus tuloy tuloy lang sya sa pagpasok.

"Matthew?" Tawag ng maliit na boses ng babae.

Napalingon ako doon sa nagsalita at mayroon akong nakita na particles or dust na unti unting nagfoform na maliit na tao, or what should I say, fairy! Yipeee.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon