Chapter 31

2.3K 114 43
                                    


Chapter 31 - It's time?


Kung meron sigurong 'most awkward ride home' ang Guinness World Records, this would definitely be it. Yup. 100% sure, this is it. Even a knife could not cut the tension inside this car. Nakakasakal ang katahimikan. Every time I try to talk, both Tyler and Theo will glare at me like it's my fault they're both in here!

Well it is kind of my fault, so I shut my mouth. Gusto ko lang namang gumaan ang atmosphere eh!

Napahawak ako sa dibdib ko, bakit parang kasalanan ko?

I expect nothing about this ride, but I do not expect it to be this awkward.

Lalo kong binilisan ang takbo ng sasakyan nang matanaw ko ang naglalakihang gate ng mansion nila. I can't wait to get out of this car and breathe. Guess I'm not the only one who wants that, dahil oras na huminto kami at mai-unlock ko ang mga pinto, mabilis silang umibis ng sasakyan.

Agad namang naglakihan ang mata ng mga maids at butler pagpasok namin sa mansion, napatutop pa sa bibig nila ang iba. Hindi mapaniwalaan ang pangyayari: sabay na umuwi ang si Theo at Tyler.

Bago pa maka-akyat si Theo sa grand staircase, I grab his wrist. I do the same with Tyler.

"Let me lead the way boys." Ginandahan ko ang ngiti ko sa kanila, bago sila hinatak papunta sa dining hall, not giving them a chance to protest.

"What the hell is wrong with you?"

"Moretta, what the fuck?"

Hinigpitan ko ang hawak sa mga pulso nila bilang sagot, silently telling them to trust me. I doubt if they will though, matapos ang sapilitang pagsasama ko sa kanila sa iisang kotse pauwi.

Ilang minuto naming nilakad ang papunta sa dining hall dahil sa laki ng mansion nila. Wala namang nagpumiglas sa kanila surprisingly, at hinayaan lang akong hatakin sila.

"Troy." tawag ko sa lalaking nakatalikod at naghihintay sa'min. Nasa dulo siya ng napakahabang mesa sa gitna ng hall, nakatayo at bahagyang nakasandal sa eleganteng upuan. Magkasalikop ang kamay niya sa likod, at nakatitig sa painting ni Van Gogh sa harap niya. He's also still wearing his uniform, at kauuwi lang din.

He smiles when he faces us, "Welcome home, my brothers."

Pinigilan kong tumawa. He sounds medieval, na parang unang beses niyang sinalubong ang pag-uwi ng mga kapatid niya sa buong buhay niya. Kung iisipin, it probably is his first time.

"Thank you Alisson, for bringing them here. Please have a seat."

I give Troy a look that says, it won't work if you sound so formal. His brothers on the other hand, glare at him.

Troy tries to smile, putting both of his hands up in the air as if surrendering. "We're not gonna do anything, we're just gonna eat dinner."

Nauna akong umupo, na sinundan nang dalawang kasama ko. Magkakaharap kaming apat sa dulo nang napakahabang table. Katapat ko si Troy, habang katapat naman ni Tyler si Theo. No one sits at the head of the table, for I think it is their father's seat.

And then it's just silence.

Nakayuko lang si Theo at Tyler, not daring to look at each other. While Troy is silently asking me for help. I gesture him to talk, and start a conversation between his brothers, pero mukhang wala siyang kahit anong ideya kung paano 'yon gagawin.

The food is taking too long to arrive, and the silence is being more and more awkward and uncomfortable.

Pinandilatan ko na si Troy. I'm not used to him like this. Helpless. Sanay ako sa ngisi niya at sa nakakainis niyang aura. But now, Troy looks nothing like the one I know.

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon