Chapter 12

201K 4.1K 114
                                    

PUMAYAG na si Red sa nais ni Rostov. Naisip niyang bakit nga ba hindi. Masaya sila sa company ng isa't isa at isa pa'y wala rin namang magbabago maliban sa maging committed sila sa isa't isa. Bawal siyang magpaligaw at bawal mangligaw si Rostov habang sila. Iyon ang pagkakaiba ng relasyon nila ni Rostov sa mga naunang karelasyon nito katulad ni Ayanna.

"Hi, Red," agad na bati ni Ezra nang salubingin sila nito ni Rostov. Nagyaya si Rostov na magswimming sa resort. Papalubog na ang araw kaya hindi na rin mainit na maligo.

"Mag-swi-swimming ba kayo?" tanong ni Ezra.

"Oo," sagot niya.

"Um.. Red.. um.. can I invite you tomorrow night? We arranged a mini concert and it will be held tomorrow evening, dito mismo sa resort. Can I invited you to be my date?"

Ang kamay ni Rostov na nasa balikat ni Red ay bumababa sa kanyang baywang. He wrapped his arm around her waist possessively.

"I'm sorry, dude, I wouldn't allow my girlfriend to go on a date with someone else." Rostov said, and again his voice laced with possessiveness. Namamanghang tiningala ni Red si Rostov. Tama ba ang nakikita at naririnig niya o nag-fe-feeling lang siya. He was acting like a possessive boyfriend.

"Girlfriend ko na si Red. For real. Walang pagpapanggap." Ezra averted his gaze to her, tila humihingi ng confirmation. She smiled and she slightly nodded.

Ezra Heaved and puffed. "Congrats!" Anito na may kasamang kibit. Rumihistro ang matinding panghihinayang sa mukha nito. Tinapik ito ni Rostov sa balikat.

"Mag-swi-swimming lang kami." Tumango si Ezra at iniwan na nila ito.

"Did you see the big disappointment in his face?" tanong ng binata sa nasisiyahang tono.

"Rostov.. Hindi naman, eh." Saway niya rito.

"Are you blind, Red? O sadyang manhid ka lang?" He pressed his lips on her temple.

"He was damn attracted to you," usal nito.

"Such a meltingly beautiful." Natigil sa paglalakad si Rostov at masamang tinitigan ang dalawang banyagang nakasalubong nila na nakatitig kay Red habang sinasabi ang papuring iyon. Pinisil ni Red ang baywang ni Rostov.

"Ikaw grabe ka. Lahat na lang ba na makikita mo feeling mo ako ang tinutukoy," sita niya sa lalaki.

"Napaka-humble mo 'no?" marahan siyang natawa.

"Assuming ka lang." Inalis niya ang pagkakakawit ng braso sa baywang nito at hinawakan ang kamay ni Rostov saka hinila.

Nagtungo ang dalawa sa cottage at nagbihis. Purple two piece ang suot niya. Lumabas siya ng banyo. Rostov was sitting on the bed. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makita kung paano siya titigan ni Rostov. His gaze roved upon her physique. Admiration and lust filled his eyes. Tumayo ang binata at humakbang palapit sa kanya.

"Wow!" Lalong lumapad ang ngiti niya. Hinapit siya nito sa baywang. Her breasts pressed against his bare chiseled chest. Agad na kumalat sa katawan niya ang init na nagmumula sa katawan ng binata.

"'Wag na lang kaya tayong mag-swimming?" marahan niyang hinaplos ang dibdib nito. Kung hindi siya magpipigil ay baka sinunggaban na niya ito. Marahan niya itong itinulak.

"Magtigil ka nga!" Kinuha niya ang cover-up at ipinatong sa two piece.

"Let's go." Nakalabing sumunod sa kanya si Rostov na ikinatawa niya.

"God, Rostov ano ba'ng ginagawa mo? Puro ka kalokohan, eh." Sita ni Red sa lalaki nang nasa dagat na sila. Hanggang dibdib niya ang tubig. Si Rostov naman ay nasa likuran niya at nakayakap habang ang kamay nito ay malikot na pinapagapang sa buo niyang katawan.

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon