Chapter 30

475K 8.6K 2.9K
                                    

Chapter 30

"Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya. Nandito kami sa CPark, buti na lang maaga pa kaya walang pang masyadong tao. Baka kasi kung ano na naman ang sabihin ng mga tao. Not that i care, pero masayado nang madaming issue sa buhay ko, ayoko ng dagdagan.

"Nothing in particular. Gusto lang kitang makausap. Kamusta na?" Then he stared intently into my eyes. I-I feel--- Shut up, Dana! For once, use your brain!

"I'm good, i guess."

"I can see. You look different." Then he examined me.

"Are you finished checking me out?" I sarcastically said.

"Not yet." Then he examined me again, "You really look different now, Dan." Then he paused. Naaalala pa din pala niya yung tawag niya sa'kin.. "But then, you're still the same."

I look different at the same time, I still look the same? Mahilig pa din siya sa riddles niya.

"I'll take that as a compliment."

"Okay."

"Yun lang ba? Aalis na ko, may gagawin pa kasi ako eh." I said. Sa totoo lang, naiilang kasi ako. Nahihirapan na akong magmukhang normal sa harap niya. Soon, I'll lose my cool. And i won't let that happen. I won't take the chance na magmukhang tanga sa harapan niya.

Nung papatalikod na ako, "Wait."

"What? Kung may sasabihin ka talaga sa'kin, pakisabi na please. I'm a busy person." Pero nakatalikod pa din ako

"I would appreciate kung haharap ka." Pero hindi pa din ako humarap, i don't to look at him. "Fine. As you know, malapit na ang birthday ni Ynna---"

Napaharap ako bigla, "Pardon?!"

"September 13."

"Ano'ng pakielam ko?!" I shouted. Ano ba ang nagawa ko at ayaw akong tantanan ng mga Henares na yan?!

"Ynna requested that---"

I interrupted, "So messenger ka na niya ngayon?!"

"Look, pwede bang patapusin mo muna ako?"

I didn't answer so he continued talking, "Malapit na ang birthday niya at gusto niyang ikaw ang gumawa ng gown niya---"

"Ano?!" I shouted. Loud. Wow. The nerve of that Henares!! "Ang kapal din naman ng mukha mong sabihin yan!!"

"Please be considerate, for once."

"Damn you, Perez! Ako pa talaga ang kailangang umintindi?!"

"Bakit mo ba ako sinisigawan?!"

"Paanong hindi kita sisigawan eh nakakagago ka na eh!" My eyes started to water. Naiiyak ako sa inis!

"Ano bang masama sa sinasabi ko? Fashion design student ka tapos ayaw mong gumawa ng damit?"

"Eh bakit ako?! Ang dami daming designer jan!"

"Ikaw ang gusto niya eh."

"Then tell her to fuck off. Wala akong pakielam sa kanya." Then i turned my back. That ass! Ang kapal lang talaga ng mukha niyang sabihin sa'kin yun!

"Ano ba ang gusto mo? Say your price."

Napaharap ulit ako, "What?" Then i paused, "Mukha bang nangangailangan ako ng pera?!"

"Then what do you want?"

Ano nga ba ang gusto ko?

"Say it."

"Mag sorry ka sa'kin."

"What?" He looked confused.

"You heard it right. Magsorry ka."

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon