Chapter 11

1.1M 42.2K 14.9K
                                    

Past

Jay-jay's POV


Natapos ang klase namin kay Ms. Smith pero hindi pa rin nawala ang mabigat na awra sa room.

Nag-aayos na ko ng gamit ng mapansin kong parang hindi ako tinitignan ng mga classmate ko. Dumadaan lang sila sa harap ko at ang malala pa lahat sila seryoso'ng seryoso yung muka.

Weird.

Anung meron ba kasi? Lumabas na ko ng room at naglakad kasabay ng iba pero... bakit parang nilalayuan nila ko?

Inamoy ko yung sarili ko, hindi naman ako amoy putok. Bakit kaya? Nakita ko si Felix at naalala ko yung chocolate sa bag ko. Madami pa naman to at wala din si Ci-N. Sa kanya ko nalang siguro ibibigay.

"Felix!" Tawag ko habang tumatakbo palapit sa kanya.

Hindi sya lumilingon at tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.

"Felix!"

Halos maubusan ako ng hininga sa paghabol lang sa kanya. Agad ko syang hinawakan sa braso ng maabutan ko sya.

Nagulat ako ng bigla nya'ng tabigin ang kamay ko. Bakit?

"Uy.. Gusto mo pa ba ng chocolate? Sayang kasi mga dala ko----"

"Sorry Jay, kailangan ko na kasing umalis." Seryoso nya'ng sagot at mabilis na naglakad palayo sakin.

Anu ba nangyayari? Tungkol ba to sa middle name ko o sa pagiging pinsan ni Aries? Anung na naman kasi?

Napansin ko si Keifer sa kalayuan. Nakatingin---hindi! Nakatitig sya at nakamamatay. Problema nito?

Nagtuloy na rin ako sa paglalakad pauwi. Mukang nauna na si Aries hindi ko na kasi nakita kotse nya sa parking. Mas okay naman yun. Sya naman ang malilintikan kay Kuya dahil sa hindi pagsabay sakin.

Pagdating sa bahay, tama ako! Nauna na nga si Aries. Andito na sya sa bahay. Nakaupo sa sofa habang nakapatong ang paa sa center table at nanunuod sa TV.

"Aries." Pagkuha ko sa atensyon nya.

Tinignan naman nya ko pero binalik din agad sa TV ang tingin nya.

"Bakit?" Bored nyang sagot.

"May ginawa kaba sa Section E?"

Biglang nag-iba itsura nya. Para bang seryoso pero andun pa rin yung galit. Binaba nya yung remote at hinarap ako.

"Bakit mo tinatanung?"

Bakit nga ba? Kasi hindi na nila ko kinakausap at parang iwas sila sakin ng malaman na pinsan kita... Yun lang naman.

Syempre hindi ko sinabi yun. Hindi pa naman ako sure eh.

"Wala naman... Natanung ko lang."

Tumaas ang isang kilay ni Aries.

Napaka-talino ng sagot mo Jay-jay.

"Hindi ako tanga Jay."

"K-kasi, parang nag-react sila nung nalaman nilang Fernandez ang middle name ko."

Tanggapin mo ang explanation ko! Please! Please!

Nagbuntong hininga sya. "Baka hindi ako yun.. baka si Kuya."

Wew. Talaga lang ah!

"Sige. Akyat na ko." Sabi ko at mabilis na umakyat papunta sa kwarto ko.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon