“I won’t get tired of you. Magpapahinga lang ako kapag sumosobra kana. Pagkatapos, susuyuin na ulit kita.” -KAI
Dedicated to Itsonly_jamjam
--
/KAI/Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang sagutan namin ni Dasuri. Matapos ang dalawang araw na ‘yon pansin ko parin ang pag-iwas nito sa’kin. Hindi naman ako nagkukusa na kausapin sya, sa huli pareho lang kaming nag-iiwasan.
“Papasok kana? Hindi ka ba muna kakain?” tanong ko nang mapansin ko ang paglalakad nya sa sofa. Nakaayos na ito at dala-dala ang kanyang shoulder bag. Nagaalangan naman itong lumingon sa’kin. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa sofa. Minabuti kong hintayin sya para maihatid ko sya sa school. Nagluto rin ako nang almusal para sabay kaming makakakain. Hinarap nya ko ngunit sa sahig sya nakatingin.
“Oo… bibili na lang ako ng makakain sa labas. S-Sige, bye.” Hindi na nya hinintay ang sasabihin ko at nagmamadaling lumabas.
“Aist. I woke up early just to make sure na sabay kaming kakain pero nilayasan nya lang ako. Talaga naman.” Gusto ko na sanang makipagbati sa kanya kaso mukhang ayaw naman nya ko bigyan ng pagkakataon.
Umupo akong muli sa sofa at inalala ang naging usapan namin ni Sehun at noona kinabukasan matapos ang naging pagaaway namin ni Dasuri.
“Bakit nyo ba ko pinatawag?” walang-gana kong pahayag pagkarating sa dorm. Tanging si Noona at Sehun lang ang naabutan ko sa sala nito.
“Alam mo naman na sigurong kumalat na ang tungkol sa nangyari kahapon? Pinagusapan ‘yon ng lahat at alam mo kung ano ang nakakagulat? Marami ang nakisimpatya sa asawa mo. ‘Yun nga lang marami rin ang nagalit kay Hyena.” Panimula ni Noona.
“Ano namang pakialam ko sa kanya? Kung sya yung rason kaya nyo ko pinapunta dito. I’m sorry pero hindi ko sya matutulungan. May mas malaking problema pa kong dapat ayusin.” Tumayo na ko mula sa sofa at nagsimulang maglakad.
Wala na sana kong balak magpapigil kung hindi ko lang narinig magsalita si Sehun, “Tinawagan ako ni Dasuri kagabi,”
Napalingon ako sa kanya bigla. “Anong sinabi nya sa’yo?”
“Gusto mong malaman? Maupo ka muna.” Napaismid ako nang utusan nya ko bigla. Talagang magaling magpasunod ang mokong na ‘to. Kahit labag sa kalooban ko, bumalik ako sa pwesto kanina at naupo.
“Now, spill it.” Utos ko naman.
“Joke lang! Asa ka namang tatawagan ako ‘non.” Tawang-tawang pahayag ni Sehun. Tumayo naman ako’t hinigit ang kuwelyo nya.
“Loko ka talaga! Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo.” Amba ko nang suntok dito. Hinarangan naman nya agad yung kamay nya. Natawa na lang ako’t binitawan sya.
“Hindi ka nakakatulong.” Saad ko rito. Inayos naman nya ang sarili nya.
“Dyan ka nagkakamali. Alam ko kaya kung bakit kayo nagaaway ng asawa mo.” kumpyansa pa nitong pahayag.
“Akala mo maniniwala pa ko sa’yo?” hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang magsalita si Noona.
“Totoo ang sinabi nya, sa tingin namin alam na namin ang sagot sa problema mo.” seryoso nitong pahayag. Napatitg naman ako sa kanya. “Anong ibig nyong sabihin?”
“Sa isang relasyon, hindi sapat na mahal nyo lang ang isa’t-isa. Kailangan mayroon ring respeto, tiwala at assurance. Sa mag-asawang katulad nyo ni Dasuri, alam mo ba kung ano na lang ang kulang? ‘Yung isang bagay na makakapagbigay sa kanya nang assurance na hinahanap nya?”
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias