Chapter 14

1M 41.2K 28.4K
                                    

Notice

Jay-jay's POV

Lunch time. Hatak-hatak ko si Ci-N sa kwelyo nya. Kailangan ko lang makausap ang bata na to.

"Bitawan mo na ko..." Parang bata'ng pitong taon na nagmamaktol itong si Ci-N.

Binitiwan ko sya sa kwelyo pero agad kong pinaikot ang braso ko sa leeg nya.

"Aray!" Sigaw nya.

"Gago ka kasi... Ipapahamak mo pa ko kanina."

"S-sorry na... A-aray."

Binitiwan ko din sya agad pero malakas na kutos muna ang ibinigay ko. Luko kasi.

"Masakit yun ah." sambit nya habang hinihimas ang ulo nya.

"Talaga?! Hindi ako aware." Sarkastiko kong sagot.

Nag-pout naman sya agad na parang napahiya. Medyo naawa naman ako. Pasalamat sya cute sya.

"Papabili kaba sa cafeteria?" Tanung ko.

Nabuhayan sya sa sinabi ko at agad na ngumiti. The usual smile.

"Sige.." sagot nya habang nagna-nod.

Lumakad na kami papunta'ng cafeteria. Walang tigil sa paghu-humm si Ci-N habang nglalakad. Tss! Bata talaga!

"Ci-N, ilang taon kana?" Tanung ko.

"Uhmm.. 14 na." Sagot nya habang naka-ngiti.

Napahinto naman ako bigla. Eh dapat pala first year pa lang sya. Bata nga talaga sya, bata sakin ng tatlong taon.

"Eh panu ka naging fourth year?"

"Anu... Panu nga ba... Nanguha lang ako ng exam nung grade 4 tapos nilagay na nila ko sa first year highschool." Paliwanag nya.

Accelerated?

"Eh panu ka napunta sa Section E?"

"Ahh hahahaha... Hinalikan ko yung classmate kong maganda." Sagot nya habang nakangiti na naman.

Hokage pala ito eh!

"Yun lang?!"

"Tapos sinuntok nya ko tapos nagkagulo na... Sakin nagsimula kaya ako yung napunta sa Section E. Haha."

"Yaaann... Ninja moves ka kasi."

Napakamot nalang sya sa ulo pero nakangiti pa rin. Pati ako napangiti nalang din. Nakakahawa kasi minsan.

Tinuloy na namin ang paglalakad. Pagdating sa pinto ng cafeteria napahinto kami dahil sa notice na naka-dikit sa pinto.

"ALL Section E is Not Allowed inside!

P.S. Kasama ka dun babae!"

All Section E?! At kasama na ko dun!! Pvtcha! Kung kelan hindi ako nagbaon ngayon pa nangyari to.

"Panu yan Jay? Pati ikaw hindi na pwede sa loob." Sabi ni Ci-N.

Anu ba yan?! Baka naman nanakot lang yung mga tao sa loob. Baka hindi pa ko kasali sa rule na to. Hinawakan ko yung pinto para buksan pero pinigilan ako ni Ci-N.

"Wag mo na tangkain. Baka kung anu gawin sayong parusa kapag lumabag ka dyan."

"Tsk! Malay mo naman hindi pa apply sakin ang rules na yan."

"Apply na yan... From the start na pumasok ka dito. Hindi ka lang nila binawalan kasi tranaferee ka at hindi mo pa alam issue ng Section E sa cafeteria."

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon