CHAPTER 167

3.5M 78.9K 165K
                                    

MAX'S POV

"Hala ka, Deib!" dinig naming pananakot pa ni Naih. "Lagooooot!"

"Yari ka ngayon, hahahahaha! Pa-girl ka pa, ah!?" pang-aasar naman sa kaniya ni Tob ngunit hindi niya nilingon sino man sa kanila at nanatili siyang gulat na nakatingin sa'kin.

"B-Bakit hindi mo sinabi sa'kin na Birthday mo??" napapahiyang tanong niya pa at napailing naman ako.

"Parte ng surpresa ko 'yon." sarkastikong sagot ko at napailing siya.

"B-Birthday mo--bakit ako pa ang susupresahin--"

"Tss.." singhal ko at iniiwas ang paningin sa kaniya.

"H-Happy Birthday.." nakangusong bati niya. "P-Pero magpalit ka pa rin!" singhal niya at sinamaan ko siya ng tingin!

"Bakit ba?? Alam mo bang nag-effort rin ako sa damit na 'to?! Nanghiram pa ko ng kapal ng mukha para lang maisuot 'to!"

"Maggan'yan ka kung ako lang ang kaharap mo! Hindi 'yung magpapacute ka muna kay Randall bago sa'kin! Tch! Sige na, magpalit ka na--ayoko ng suot mo, h-hindi maganda, hindi bagay sa'yo."

"Ayoko!" tanggi ko!

"Ayaw mo?!" naghahamon pang tanong niya at sinimangutan ko siya! "Ah! Ayaw mo, ah!" banta niya at saka..

BINUHAT AKO!

"W-W-Woi! Woi! I-Ibaba mo ko! A-Ano ba!" sigaw ko sa kaniya pero naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya!

"Woooooh!" dinig ko ang sigawan ng mga kasama namin!

"Honeymoon agad!" sigaw ni Naih pero 'di ko siya pinansin!

"S-Sensui! Ibaba mo sabi ako!" malakas na sigaw ko pero nagtuloy tuloy siya hanggang sa Hotel! "Isa!"

"Ibaba rin kita--maghintay ka lang! Wala akong planong buhatin ka magdamag dahil hindi ka rin naman sobrang gaan!" singhal niya at saka pinindot ang Elevator button!

*TING!*

"Dalawa!" bilang ko pa! "Tatloooo!"

"Oh!" aniya pa pagkababa sa'kin!

Masama ang tingin namin sa isa't isa at hinila ko ang kwelyo ng Polo niya!

"Siraulo ka ba?!" tanong ko sa kaniya at ngumisi siya.

"Hindi ka pwedeng magsuot ng ganiyan kapag maraming kasama! Tch! Nagpapahawak ka pa ng bewang kay Randall kanina!"

"Eh, humawak ka rin naman, ah?!"

"Pero boyfriend mo ako!"

"Tss.."

"Tch! Nag-enjoy ka ba?!" nakangising tanong niya!

"Siraulo mo!"

"Patatahian kita ng trahe de boda--'yon lang ang pwede mong isuot kapag magsuswimming ka! Kung gusto mo may belo pa! Tch! 'Wag lang 'yung ganyan!" tiningnan niya pa ang kabuuan ko at saka iniiwas ang tingin niya! "Tch! Kamukha mo si Johnny Bravo!"

Nanlaki ang mga mata ko pinitik ang noo niya!

*TING!*

"Ang sama ng ugali mo! I hate you!" sigaw ko sa kaniya at saka nagpaumunang lumabas ng elevator nung eksaktong bumukas 'yon!

"H-Hoy! A-Anong sinabi mo!?" habol niya sa'kin! "H-Hoy! A-Anong I HATE YOU?! A-Alam mo ba ang ibig sabihin non--hoy! Taguro!"

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon