Superstar (part 2)

2.7K 78 9
                                    

Punong puno ang studio ng mga fans na kaliwa't kanan ang pagwawala. Kahit saang direksyon ka tumingin, may mga tarpaulin at cartolinang nakataas at winawagayway ng fans. Rinig na rinig sa studio ang sigawan ng mga audience.

Sa isang gilid naman ng entablado, tahimik na nakatanaw ang dalaga sa kanyang nobyo na kasalukuyang kasama ang babaeng katambal nito sa palabas. Binibiro ng host ang dalawang artista kaya naman mas lalong natuwa ang mga fans. Nang hindi na nakayanan ng dalaga, umalis na sya at hindi na pinanood ang programa.

.

.

.

.

.

Pagkalipas ng ilang araw...

MARIEL: Uy, Anne, nabalitaan mo na ba?

ANNE: Ang alin?

MARIEL: Si Viceral at El---

KARYLLE: Tama na ang tsismisan! Guys, rejected yung mga pinasa natin sa kumpanya! Pag oras kasi ng trabaho, magtrabaho kayo! Hindi yung ganyang nagkukwentuhan kayo!

Nagulat ang mga tao sa photo studio sa pagsigaw ni Karylle na head photographer at boss nila. Bumalik si Karylle sa inuupuan nya at nireview ang shots ng modelo ng kumpanya.

AMY: K, ano na naman ang problema mo at nagsisisigaw ka kanina?

KARYLLE: Tyang, yang mga tauhan na naman kasi palpak! Wala ng ginawang tama!

AMY: Talaga ba? Baka naman kasi yung problema mo, dinala mo na naman dito sa trabaho kaya pati yung maliit na pagkakamali ng team, napapalaki mo.

KARYLLE: Ako na naman? Aba wala na akong ginawang tama!

AMY: Karylle, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Alam mo, magpahinga ka muna ngayong weekend. Kami na muna ang bahala dito. Ilang araw ka na ring ganyan.

KARYLLE: Tyang, ako lang ang matinong photographer dito. Kanino mo ipapahandle yung mga kliyente habang wala ako?

AMY: Kay Jhong.

KARYLLE: Wag. Hayaan mo nang sa editing sya... pero bantayan mo rin.

AMY: Sino bang gusto mo?

KARYLLE: Si Jugs nalang pag yung photoshoot ay dito lang sa studio. Pag outdoor shoot, kay Anne mo ipahandle. Pwede rin kay Teddy.

AMY: Sige, may bilin ka pa bang iba?

KARYLLE: Bantayan mo lang ng mabuti ang team. Keep me updated, Tyang.

AMY: I will. Sige na't magpahangin ka na nang lumamig yang ulo mo.

KARYLLE: Salamat, Tyang. Pakisabi sa kanila, pasensya na.

.

.

.

.

.

DIRECTOR: Congratulations! Both of you did a very good job sabi ng management. Mas lalo daw tumaas ang ratings ng show.

VICE: Syempre naman, Direk. Magaling 'tong partner ko.

ELLA: Ano ka ba, Vice? Pereng sere 'te.

VICE: Nakakatuwa ka kaya! Ang galing mo pa!

ELLA: Bolero! Osya, Direk, mauuna na ako. May photoshoot pa ako para sa magazine.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon