Chapter 14: Monopoly

75.6K 1K 220
                                    

Chapter 14: Monopoly

"Be my girlfriend."

Seryoso ang mukha ni Dan Gab. Pinagmamasdan niya yung reaksyon ko.

Napanganga ako sa sinabi niya. Literally. Binubuka ko yung bibig ko para magsalita. Para lang sagutin yung kalokohan niya pero nagmumuka akong isda na bukas-sara ang bibig at walang lumalabas na salita.

Naasar ako kasi nagawa nanaman ni Dan Gab na gulatin ako. Parang 4 years ago.

Matutunaw ata ako sa tingin niya. Ni hindi umalis sa mukha ko. Maliban na lang ng tumingin siya sa may entrance at may tinitigan siya doon. Titingin na din sana ako kaso nga lang...

Humagalpak ng tawa si Dan Gab. "Sofia! Dapat nakita mo yung itsura mo! Wooohh! Natuwa ako dun ah!"

"Joke ba yun?"

"Oo. Ano sa tingin mo, seryoso ako? Bakit papayag ka ba kapag seryoso ako? Sabi ko na nga ba type mo ko eh."

Sinuntok ko yung braso niya. "Aray! Sofia naman! Injured na nga eh!"

"Maaawa sana ako sa iyo. Kaso nagagawa mo pang magbiro. Nag-aalala na nga sa'yo eh."

"Okay. Sige na. Sorry. Hindi na mauulit. Pero Sofia," tiningnan niya ako sa mata. "Kapag naulit pa ito, ibig sabihin seryoso na ha."

Ibinaling ko na ang tingin ko. "Sige, Dan Gab. Aalis na ko. May mga laro pa ang mga classmates natin. Magpagaling ka."

Lumabas ako ng clinic at nakita ko doon si Inna na kausap si King. Lumapit ako sa kanila.

"Anong sinabi sa'yo ni Dan?" tanong ni Inna ng makalapit na ako sa kanila. Gusto ko sanang sabihin ang totoo sa kanya kaso nga lang naiilang ako kay King na sa puntong iyon ay parang inaabangan din ang sasabihin ko kay Inna.

"Wala. May pinapasabi lang siya kay Josh," sabi ko kay Inna habang nakatingin naman ako kay King. Tinaas niya yung kilay niya na parang hindi siya naniniwala sa akin. "Bibisitahin mo ba si Dan Gab?"

"Kakalabas ko lang ng clinic," maikli niyang sagot.

"Talaga? Anong ginawa mo sa loob? Bakit hindi ka mo siya pinuntahan?"

Inangat niya yung bote ng Betadine. "Nagasgasan ng tuhod si Jem habang naglalaro ng volleyball. Mauna na ko sa inyo."

Betadine lang, kailangan pang pumunta sa clinic? May medic naman sa gym ah.

"Bakit parang hindi ako naniniwala sa kanya?" tanong ko sa best fiend ko nung malayo na sa pandinig si King.

"Simple. Kasi hindi siya nagsasabi ng totoo." Sa tono ng pagsasalita ni Inna, parang may gusto siyang pahiwatig sa akin. Nung tinignan ko siya, ganoon din yung nakikita ko sa mata niya. Nakaramdam tuloy ako ng uneasiness sa tingin niya.

"Ano?"

"Wala ka talagang alam."

Nagkibit-balikat na lang ako. Medyo madami pa akong problema. Simula doon sa nangyari sa clinic kanina...

Second day na ng intrams. Medyo mahinahon ang schedule namin dahil halos lahat ng laban ay nangyari kahapon kaya yung buong klase nakatambay lang sa isang pwesto sa tabi ng basketball court. Bawal kasing gamitin yung mga classroom kapag intramurals kasi nagsisitulugan lang ang mga estudyante imbis na maglaro.

Iba-iba ang ginagawa namin. May naglalaro ng badminton at volleyball, may naggigitara at nagkakantahan, may naglalaro ng Chinese garter. Ako, nandoon ako sa tropang naglalaro ng monopoly. Tuwang-tuwa naman ako dahil sa kasalukuyan, ako ang pinakamayaman sa laban.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon