Chapter 26 - The View

658 23 2
                                    

Dedicated to _wimpyjeeedd.

Red POV

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nalaman kong impormasyon sa tatlong biktima. Naiinis din ako sa lalaking yun. Anong nangyari sa kaniya at kung makita niya ako ay parang iniiwasan niya ako? At kapag tatangkain kong kausapin siya ay aalis agad siya oh maglalagay ng headphone niya. Bumabalik din siya sa dati. Nagiging cold tapos snob na.

"Hays" buntong hininga ko. Nandito ako sa ngayon starbucks sa Mall. Mag-isa lang ako dahil busy yung tatlo. Naiinis ako kaya pumunta akong mall para mag palamig.

Habang nagmamasid ako ay biglang may pumasok na lalaki at babae na naglalandian. Bigla ko ata akong nasuka sa nakita ko.

Si Raevin lang naman tapos may ka holding hands na babae. Arghhh ano yung sinabi niya noong isang araw? Mukhang kinain niya lahat.

Padabog kong kinuha yung bag ko at naglakad papunta sa direction nila. Nasa pinto pa kasi sila at hindi umaalis. Mukhang nag iisip pa kong anong iinumin.

Pagkadating ko sa pwesto nila ay pumunta ako sa harapan nila at tinignan sila.

"Excuse me" malamig kong sabi. Napahinto naman sila sa paglalandian.

"Sorry" sabi nong girl at hinila niya si Raevin. Napatingin naman si Raevin sa akin. Inirapan ko lang siya at binuksan yung pinto.

Pumunta nga ako sa mall para makalimutan siya tapos nandito din siya. Jusko makapunta ngang Bookstore. Magbabasa na lang ako.

Habang tumitingin ay may nakita akong interasadong libro. Kaya kukunin ko na sana pero may nauna na sa akin. Sisiagaw na sana ako ng makita kong hawak ito si Raevin na naka smirk.

Tinignan ko siya ng masama.

"Ako ang nauna diyan kaya akin na" malamig kong sabi.

"Sorry nauna ako." Sabay wagayway nito sa harapan.

"Akin na" inis kong sabi. Nawawalan na ako ng pasensya ha.

"Ako ang unang nakakuha at nakahawak kaya saakin na ito".

Humugot ako ng hangin at nag bilang ng one to ten at tinignan siya.

"Fine" saka naglakad na paalis.
Arghh nakakainis.

Hamang naglalakad ako ay nagpupuyos pa rin ako sa galit.

Ano bang problema niya? Nakakainis na ha.

"Hey!" Kilala ko na kung sino yun kaya binilisan ko na yung paglakad. Nakarating na ako ng parking lot kaya binilisan ko pa ang paglakad.

"Rich sandali" sabay hawak sa kamay ko.

"Ano ba" sabay bawi ko ng kamay.

"Ano bang kailangan mo? Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin? Baka hinihintay ka na ng kasama mo at magalit pa sayo." tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hinigit at dinala sa isnag itim na kotse. Pinag-buksan niya ako at tinulak papasok.

"Aray" sabi ko saka siya tinignan ng masama.

Umikot siya sa driver seat at pumasok na din.

Pinaandar niya ito ng mabilis. Mabuti na lang at nakapag-suot ako ng seat belt. Kahit sanay na ako sa ganitong bilis ay parang mahihiwalay pa din yung kaluluwa ko sa katawan ko. Naka kunot yong noo niya at may black aurang naka palibot sa kaniya. Anime lang ang peg.

"Hey slow down" sigaw ko sa kaniya. Saka lang niya hininaan ang pagdadrive.

Tumahimik na lang ako at tumingin sa bintana. Mukhang badtrip kasi siya kaya tatahimik na lanh ako.

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon