Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 10 | There Was Never

142K 4.5K 2.3K
                                    

Chapter 10 | There Was Never...


"What the hell are you doing?"


Kakauwi ko lang galing sa school at dumiretso ako sa bahay since wala naman akong shift ngayon sa Art Stuff. I'm dead tired (and a bit sulky) because of my very demanding major subjects and now seeing him like this is like a breath of fresh air.


"What the hell are you doing, Gatorade?" Pero hindi na naman niya ako pinansin. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko kahit nang makaupo ako sa kama. I watched him for a minute or so bago ko napansin ang kunot sa pagitan ng mga kilay niya.


Okay... may ginawa ba akong mali?


Pero hindi agad ako nag-panic kahit na mukhang may sumpong ang lalaking 'to. Ang cute niya kasing tingnan sa harap ng vanity mirror ko. Hindi lang dahil sa inis ang pagkakunot ng noo niya pero dahil seryoso at focus siya sa pagtitig ng sarili niya sa salamin.


Ang tanong lang...


"May lalabas ba na kung ano d'yan sa tiyan mo?" Halata sa boses ko ang amusement. Kanina pa niya kasing tinitingnan ang bawat anggulo ng tiyan niya sa salamin. "Huy, Gatorade!"


Humarap siya sa 'kin—this time, nakasimangot.


"Anong nakikita mo?" Itinaas pa niya lalo ang shirt niya para ipakita ang puti niyang tiyan. No, I'm not staring at his belly... mas entertaining ang itsura ng mukha niya ngayon. Kamukhang kamukha niya si Andrei na tila ba may hindi siya maintindihan.


"Tiyan?"


"Tapos?"


Pinigilan ko ang tawa ko. "May dapat ba akong makitang iba?"


"Bakit yung kay Russ ba may nakita kang iba?"


And I lost it.


Tumawa ako ng tumawa hanggang sa mapaupo ako at mapahiga sa kama. At sa paghaba lalo ng pagtawa ko, sa paglalim ng kunot sa noo niya. Sa akala kong titigil na ako sa kakatawa, biglang humarap ulit si Gatorade sa salamin at nag-pose para mapaliit at makacontour ang tiyan niya.


Oh my ghad.


"Akala ko ba..." I tried to compose myself kahit gusto ko pa ring tumawa. "Akala ko ba wala kang pakialam sa sinabi ni Dominique?"


"Wala nga." Bigla niyang binaba ang tshirt niya at inayos ang tayo niya. Nilapitan niya ako at inalok ang kamay niya para maalalayan niya ako pagtayo. Iniwas niya ang mga mata niya sa 'kin. "Wala akong pakialam kung walang hati-hati 'tong sa 'kin."


At bigla siyang tumalikod.


"Ang cute mo." Sabi ko sa kanya habang tumatawa ulit.

Boyfriend Corp. Book 3 : After Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon