Chapter 13

178K 3.8K 129
                                    

 

KUMATOK si Rostov sa pinto ng opisina ng kanyang lola na nasa loob mismo ng mansion at itinulak pabukas kapagkuwan. Nakita niya ang kanyang lola na nakaupo sa swivel at nang makita siya ay tinanggal ang reading glasses. Muli niyang sinara ang pinto at tinungo ang desk.

"Pinapatawag niyo raw po ako?" aniya at umupo sa visitor's chair. Mataman siyang pinakatitigan ng matanda, and that gave problema hint that something is going on.

"Spill it out, lola."

Bumuntong-hininga ang matanda. "Marry Red and you will inherit all my properties," deretsong sabi nito. That made him shock and at the same time confuse.

"Lola?" mahina niyang bulalas na hindi pa rin makabawi sa gulat at pagkalito.

"I.. I and Red are already married." He stammered.

Bumuntong-hininga ang matanda bago nagsalita. "Tingin mo ba talaga ay mapaglalangan mo ako?" naghahamong sabi ng donya.

"Hay, Rostov, since the day you brought Red here I knew everything. Hindi talaga kayo mag-asawa at hindi siya si Ayanna."

Bahagyang napaawang ang labi ni Rostov, pero itinikom din ang bibig kapagkuwan. Hindi niya inaasahan ito. Hindi talaga. Pero hindi siya nabahala. Kung alam na ng kanyang lola ang totoo at hindi nga sa kanya ibigay ang mana niya ay ayos lang sa kanya. Nakakatawa lang dahil noong una ay halos gawin niya ang lahat masiguro lang na mapasakanya ang ari-arian ng abuela. Mas importante sa kanya si Red. Ayaw niya na itong gamitin para lang sa pansariling interes.

"I'm sorry, lola, pero paano niyo po nalaman?"

"Nang sabihin mong magpapakasal ka na ay talagang nabahala ako. Wala ka man lang ipinapakilalang nobya tapos biglang ibabalita mo sa 'kin na magpapakasal ka na at sinabi mo pa iyon sa araw mismo ng kasal mo. Agad kong ipinahanap sa social media si Ayanna Velasquez kay Dara. Unang kita ko pa lang sa babae ay totong hindi siya ang gugustuhin ko na mapangasawa mo. A kind one whom afraid to have a lot of kids dahil ayaw masira ang katawan. Mukhang hindi siya family-oriented. Isang modelo ang babae, ang uri ng trabaho na magandang katawan ang puhunan. Nang araw na dalhin mo si Red ay talagang nagulat ako kung bakit ibang babae ang ipinakilala mo. Pero unang kita ko palang kay Red ay sigurado akong magugustuhan ko siya."

Gumuhit ang masayang ngiti sa labi ng donya at ang saya na makikita sa mga mata nito ay hindi maipagkakaila. That made him smile. Gusto niyang nakikitang masaya ang lola niya. Pero inaamin niyang puro sama ng loob ang ibinibigay niya rito.

"Agad kong inalam ang nangyari sa kasal mo. Nang araw na lumuwas ako ng Maynila ay nagtungo ako sa isa sa mga kaibigan mo at ipinagtapat niya sa 'kin ang totoo." Umahon ang matinding kaba sa dibdib niya. Alam na kaya ng lola niya ang ugnayan ni Red at Rogue?

"A-ano pong nalaman niyo?" Mapapatay niya talaga kung sino sa kaibigan niya ang nagsabi sa lola niya ng totoo.

"Nalaman kong sinira ni Red ang kasal mo. Ayon sa kaibigan mo'y may atraso ka kay Red kaya gumanti ang dalaga sa pamamagitan ng pagsira ng kasal mo. And you had threatened to sue her for ruining your wedding kaya napapayag mo siyang palitan niya si Ayanna at magpanggap."

"'Yon lang po ang sinabi ng kaibigan ko?"

"May dapat pa ba akong malaman?" umiling-iling si Rostov at nakahinga nang maluwag

"Puwede ko bang malaman kung sino sa kaibigan ko ang nagtraydor sa 'kin."

"Hindi pag-ta-traydor iyon! Sa simula ay ayaw niyang magsalita. Sinabi ko sa kaibigan mong gusto kong makatuluyan mo si Red kaya umamin ito sa skin. Mukhang gusto rin ng mga kaibigan mong mapabuti ka kaya napilitan siyang magsabi ng totoo at nangako itong walang sasabihin sa 'yo tungkol sa napag-usapan namin."

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon