1

144 7 4
                                    

Shin's POV

"Edi wow." Pagsagot ko kay Blake sa sobrang corny niyang joke. Wala naman kasing kwenta yung mga sinasabi niya. Nakakabobo lang.

"Letche ka talagang kausap." Sabi niya at iniwan ako mag-isa at nakipag daldalan sa iba namig kaklase.

"Nag-away na naman kayo ng kambal mo?" Natatawang tanong ni Alex, boy best friend ko.

"Siya lang naman nang-aaway sa akin." Sagot ko at ipinatong ang paa ko sa upuan na nasa harap ko.

"Siga talaga 'to." Sabi pa ni Kevin. Kasama siya sa grupo namin nila Alex pero kay Alex talaga ako pinaka-close sa kanilang tatlo. Bata pa lang kasi kami ni Alex kami na ang paaging magkasama. Lalo na sa school, hinding hindi kami napapaghiwalay noon.

"Tara labas tayo nagugutom ako." Sabi ko at tumayo na.

"Libre mo kami, Shin?" Nakangiting sabi sa akin ni Alex at tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano tingin mo sa sarili mo swerte? Kaibigan mo na nga ako magpapalibre ka pa." Pagtataray ko sa kanya at tumawa naman siya nang malakas.

"Ang lakas mo na naman mang-away ah. Tara na." Pangaasar niya sa akin at tumayo bago ako hilahi palabas ng classroom.

"Shin! Bili mo ko sandwich. Hungry na yung kambal mong gwapings. Thanks!" Sabi niya at nag-flying kiss pa sa'kin pero inirapan ko lang siya. Ano ako yaya niya? Bahala siyang magutom.

Kung nagtataka kayo ngayon kung nasan ako, nandito kami ngayon sa university pero 3rd year high school pa lang ako. But this week, ito na ang huling linggo ng school year namin.

So ngayon wala naman na pinapagawa samin yung mga lecturer namin kaya puro free cut na lang kami saka paggala sa school.

"Grabe bakit kasi hindi na lang nila ginawang last day of school 'yung exams nung friday? Pinapasok pa tayo for this week." Reklamo ni Kevin.

"May mga hindi pa kasi cleared at kulang sa requirements. Kumbaga make up class nila 'tong mga week na 'to." Pagpapaliwanag ko sa kanya at tumango naman siya.

"Bakit mo 'yon alam?" Tanong niya sakin.

"Malamang nakikinig ako sa adviser natin." Masungit kong sabi sa kanya at tumawa siya.

"Ang sungit mo na naman! Ang sarap mo batukan!" Nang gigigil niyang sabi sa akin at hindi ko na lang siya pinansin.

"Brad, di ko talaga alam kung ba't wala kang pinapatulan sa mga mangliligaw mo."Biglang sabi ni Keneth na kaibigan ko rin. Agad ko siyang tinignan at tinuro naman ang mga lalaking tumitingin sakin.

"Bawal nga ako mag-boyfriend, ang kulit mo." Sabi ko. Totoo naman. Bata pa lang ako sinasabi na sakin nila mama na kahit anong mangyari bawal daw ako mag-boyfriend. Kahit ano pa raw sabihin ng mga tao sa paligid ko, 'wag daw ako mag-boyfriend. I don't even know why.

"May nagsabi sakin may boyfriend ka raw." Sabat ni Kevin.

"Oh? Sana all alam na may boyfriend ako." Sagot ko.

"Saan mo naman natutunan yang sana all na 'yan? Jejemon ka ba? Ibang klaseng conyo ka na ah." Sabi niya pero inirapan ko lang siya.

"See you next school year mga brad. Mami-miss ko kayo nang sobra." Sabi ni Alex at niyakap kami isa-isa.

"Hayop naman yung ka-epalan mo Alex eh." Sabi ko sabay tulak sa kanya palayo.

"Sus. If I know, may lihim kang pagtingin sakin. Kaya siguro wala kang boyfriend kasi hinihintay mong mangligaw ako sayo, 'no?" Sabi niya at nagtaas baba pa ng kilay.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon