Epilogue

105K 2.2K 564
                                    

Third party's POV~

"Pangalan?"

Hindi sya sumagot.

"Pangalan?" Ulit nito sa tanong.

"Yva po."

Pagkasabi niya noon ay tinitigan sya nung lalaking may hawak na malaking libro bago nito hinanap ang pangalan kung nakasulat ito doon.

"Dahilan nang pagkamatay ay pagkahulog sa bangin."

Hindi sumagot si Yva at yumuko lamang ito.

"Dapat matagal ka nang pumunta dito. Ang nakalagay dito, sanggol ka palang nung namatay."

Hindi sya kumibo.

"Ah! Ikaw siguro yung usap usapan dito na binigyan nang buhay nang isang Duke."

Napatingin lamang sa gilid habang may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Ikaw ba iyon?" Paniniguradong tanong nung lalaking nakaputi.

"O-opo." sagot niya habang hindi na napigilan ang mapaiyak. Ang lungkot at sakit at makikita sa kanyang mga mata.

The man sigh. "Oh sya, katulad lang nang dati, mamili ka na. Heaven or hell?"

She burst into tears. Napakasakit sa kanya na nangyari muli ito. Bago sya sumagot ay taimtim muna syang nagdasal. Na sana mapatawad sina Astaroth at Victor. Na sana mabigyan sila nang isa pang pagkakataon. Biktima lamang din sila nang hindi makatarungang pagtrato nang mundo. Na sana mapalaya na ang mga ito sa mga ala-ala nang nakaraan at tulungan itong gumaan ang mga saloobin na matagal nang dinadala nito sa kanilang mga puso.

"Heaven or hell?" ulit na naman nito sa tanong.

She sob. Kasalanan ko kong bakit nagkaganun si Astaroth. Siguro sa pagkakataong ito kailangan ko nang pagbayaran ang mga sakit na idinulot ko sa kanya sa napakahabang panahon.

"Heaven or hell?" ulit nito na halata ang pagkairita sa boses dahil sa tagal nyang pumili.

"H-he-"

Sasagot na sana sya pero bigla syang may narinig na boses na parang bumulong at may sinabi ito. Kung ano ito, sya lang ang nakakaalam.

-------------------------

"Some say love, it is a river
That drowns the tender reed.
Some say love, it is a razor
That leaves your soul to bleed.
Some say love, it is a hunger,
An endless aching need.
I say love, it is a flower,
And you its only seed."--- An excerpt from the song The Rose by Bette Midler

Sa isang malaking hacienda makikita ang mga taong nagtatrabaho dito. Mga taong namimitas nang manga dahil hinaharvest na nila ito.

Pag-aari ito nang pamilyang Cross.

Sa isang puno makikita ang isang babae na umaakyat at nag e enjoy lamang sa tanawing nakikita mula sa taas.

"Bumaba ka na jan,ka dalaga mo nang tao umaakyat kapa sa puno. Baka mahulog ka dyan!"

"Mama ang ganda nang tanawin dito, Ma oh! Halika ma, umakyat ka dito!"

"Bata ka, at ako pa'y iyong pinapaakyat dyan. Naku naku naku! Bumaba ka na jan kundi iiwan na kita. Mauuna na akong umuwi!"

"Sandali nalang ma." Sabi nito habang ngumingiti.

"Bumaba ka na kasi ngayon ang dating nang anak nina Don Roberto , sasalubongin natin ang pagdating sa mansyon nun ngayon. "

Taken by a DEMON (PUBLISHED UNDER RISINGSTAR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon