Chapter 9

21.3K 630 79
                                    




"Shit!" bigla ko na lang na sabi nung makuha ni Japan ang bola sakin. Agad ko syang binantayan. Hinarangan ko sya nang magbalak syang lusutan ako. Nakita ko na pinasa nya ang bola sa likod nya papunta sa kaliwang kamay nya kaya alam kong sa kanang bahagi ko sya dadaan kaya mabilis kong hinarangan pero nagkamali ako dahil sa kaliwa ko sya lumusot.

Hinabol ko sya nung magla-lay up sya at hinarangan sya pero pababa na ako sa pagkatalon ko ay sya mas lalo pang tumaas kaya naishoot nya ang bola sa ring.

Nakakalipad ba sya at ang tagal nya sa ere?

"Isa pa!" hingal kong sabi pero ayokong magpatalo sa kanya, hindi pa ako tapos.

"I'm done with you." walang kaganang gana na sabi nya. Bigla naman ako nainsulto doon. Isang oras na kaming naglalaro pero parang hindi man lang sya nacha-challenge na labanan ako.

"Hindi pa ako tapos!" hinawakan ko ang braso nya para pigilan syang umalis. Tinignan ko sya ng seryoso. "Hangga't hindi ko sinasabi na tapos na tayong maglaro ay hindi tayo matatapos."

Bumuntong hininga sya tapos tumingin sakin. "Wala kang laban sakin." sabi nya at winasik ang pagkahawak ko sa kanya. "Better luck next time." napakunot ang noo ko na mag-smirk sya. Tumalikod na sya at naglakad palayo.

Kinuha ko ang bola at binato sa kanya pero laking gulat ko na naiwasan nya 'yon habang nakatalikod sakin.

"Pikon." sabi nya at tuluyan na sya umalis.

"Hindi ako pikon!" kabadtrip 'yon, inasar pa akong pikon. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa ring. Tsk..ganon ba kagaling 'yon at hindi ko sya natalo? hindi lang sya mabilis, parang lagi syang nakakakita ng butas para ishoot ang bola kada nablo-block ko ito.

Napaisip ako. Bench member lang ba talaga 'yon? baka pinagloloko lang kami non dahil impossible na wala sya sa first five nung dati nyang team.

"Ang panget ng laro mo." napatingin ako sa nagsalita.

"Louise." tawag ko sa pangalan nya.

"Yo!" napakunot ang noo ko.

"Ano sabi mo, panget laro ko? eh mas panget ka." asar ko sa kanya.

"Aba't loko 'to ah!" napatawa ako. Sya ang pikon at hindi ako. Nawala ang pagkainis ko kay Japan dahil sa isang ito.

"Ano bang ginagawa mo rito?" sa totoo lang ay hindi ko sya napansin na nanonood pala sya samin. Masyado akong focus kay Japan. Pambihira naman kasi 'yon, inakit ko na lahat-lahat hindi tumalab. Hindi ata 'yon Ice Princess kundi Rock Princess, ang manhid eh.

"Pinanood kayo maglaro kaso ang boring panoorin."

"Anong sabi mo?" letche 'to boring daw laro namin eh pagod na pagod nga ako.

"Totoo naman eh, hindi ka nakaka-score kay Japan. Lagi nya nakukuha ang bola sayo." natameme ako. Totoo 'yon, parang sa isang iglap ay nakukuha nya ang bola sakin.

"Kita mo naman ang bilis nyang kumilos." naglakad ako papunta sa bola. Tinignan ko iyon. "Nakakainis." akala ko kaya ko si Japan pero hindi pala, malayong malayo ang kakayahan naming dalawa. Kung titignan ay parang isa na sya sa mga seniors.

"Kita ko nga at kita ko rin kung paano mo sya landiin na hindi naman tumalab sa kanya." natatawang sabi nya. Namula ako at tinakpan ang mukha ko ng bola. Bwisit, nandito nga pala sya kanina, syempre alam nya kung ano pinaggagawa ko kay Japan. "Do you like her? Bi ka naman kaya possible rin 'yon." napatingin ako kay Louise. Napaisip naman ako roon. Gusto ko nga ba si Japan? "Don't tell me hindi mo alam ang sagot."

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon