Chapter 8: Pero, gusto ko talaga siya....

662K 12.9K 8K
                                    

Chapter 8: Pero, gusto ko talaga siya....

Zandrick's POV


*day na nagkausap ako pati ang aking pinsan*

"Ahia (kuya) Kevin," tawag ko sa pinsan ko, "Pano ba gagawin ko dun sa crush ko?"

"Maganda ba yan ha?" agad niyang tanong.

"Naman!" sagot ko agad, "Ahia naman, pipili ba ko ng di maganda?"


Ba naman si ahia eh inuna pang magtanong kung maganda eh... di pa sinagot yung tanong ko.


"Hahahaha!" he laughed, "Dapat lang noh! Aba aba pinsan ko nagbibinata na!"

"Oo nga oo nga sige na.. so pano nga to?" balik ko sa topic.

"Ganto kasi yan eh," inakbayan niya ako, "Wala sa lahi natin ang mabagal, dapat mabilis!"

"Eh pano nga gagawin ko?"

"Edi umamin ka sa kanya!"


Teka teka ano daw?!


"Ano? Umamin? As in sabihin ko 'Krissy crush kita'?" di ko ata kaya yun.

"Nadali mo!" he pointed at me, "Dapat ganon, pero, dapat habang sinasabi mo, bigyan mo ng chocolates!"

"Hala, baka naman di nya magustuhan ah..." I hesitated.


Sabi pa naman ni Zandy, mataray daw yun... hala katakot naman!


"Siyempre magugustuhan niya yan!" paninigurado ni ahia.

"E sabi nung bestfriend ko, mataray daw eh."

"Hala ka dyan." he shook his head, "Pero kahit na, wag torpe! Kung tarayan ka, okay lang yan! Ganyan talaga, part yan ng pagiging lalake!"

"Nakakatakot pero sige sige! Wala sa lahi natin torpe!" pag-eencourage ko sa sarii ko.

"Yan! Yan! Yan ang pinsan ko!" he proudly said.


Baliw talaga. 

Wala sa lahi namin ang torpe

Wala sa lahi namin ang torpe

 Wala sa lahi namin ang torpe

Okay okay sige, gagawin ko na!

Go Zandrick kaya mo yan!


"Teka teka, classmate mo ba yun?" tanong ni ahia.

"Oo bakit?"

"Wala naman, e pano naman si Zandra?"


Si Zandy?


"O, ano meron kay Zandy?"

"Kala ko dati yun yung crush mo eh! Hahahahaha ang ganda kaya non! Ngayon ngang bata pa sya, ang ganda na at ang sexy, pano pa kaya pag laki nyan wahahahaha!"


Pati ba naman bestfriend ko, pinagnanasaan ng pinsan kong 'to?


"Baliw!" binatukan ko nga.

"Aray naman!" napahawak siya sa ulo niya, "Hoy mas matanda ako sayo ah! Hmp! Kala ko lang naman gusto mo yun noh! Pero bakit hindi hahaha boto ako dun!"

Unlucky I'm In Love with My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon