Chapter 16

164K 3.7K 130
                                    

        HINDI mapigilan ni Red ang mapangiti ng malapad habang ka-text si Rostov dahil sa mga sweet messages nito. Sinabi rin nitong miss na miss na siya nito. Apat na araw na silang hindi nagkikita. Gustong-gusto na nitong sunduin siya kahapon pa pero may kailangan pa raw itong ayusin sa negosyo. Susunod raw ito pagkatapos ayusin ang kailangang ayusin sa winery. Maybe tomorrow. Very responsible na ito ngayon pagdating sa negosyo.

"I need to work hard for you and for our future children." Napangiti si Red nang maalala ang sinabing iyon ni Rostov. Maging si Donya Conching ay hindi makapaniwalang maririnig iyon kay Rostov. Pero alam niyang sinabi lang iyon ng binata dahil nandoon ang donya pero kahit gan'on ay naghatid iyon ng saya sa puso niya.

Gusto niya sanang isama ang mga magulang niya at kapatid para nandoon ang pamilya niya sa engagement party pero tumanggi ang mga ito. Hindi raw nito alam kung paanong kikilos sa mga gan'ong pagtitipon at isa pa ay medyo hindi maganda ang pakiramdam ng tatay niya. Pero sinigurado naman ng mga mgulang niya na naroroon ang mga ito sa araw ng kasal niya at ihahatid siya sa altar. Pero bago iyon ay kailangan niya raw munang dalhin si Rostov sa kanila at ipakilala nang maayos. After the engagement party ay pupunta sila ni Rostov sa Isabela.

"Parang timang lang, ah!" Puna sa kanya ni Tessmarie. Nakanguso at pinipigilang gumitaw ang ngiti sa mga labing nilingon ni Red si Tessmarie sa desk nito habang siya naman ay nakaupo sa sariling swivel.

"Para kang teenager na namimilipit sa kilig diyan."

"Masyado bang obvious?" nahihiya niyang tanong.

"Ay hindi! Kung gumanito ka at gumanito wagas, eh!" Natawa siya nang gayahin ni Tessmarie ang pamimilipit daw niya.

"Mahal mo na siya 'no?" nawala ang malapad na ngiting nakapasta sa labi niya sa tanong ni Tessmarie.

"Hindi. Masaya lang akong kasama siya. Na-e-enjoy ko ang company niya pero hindi ko siya puwedeng mahalin." Muli niyang itinuon ang tingin sa screen ng cell phone.

"Ang tinatanong ko kung mahal mo na siya. Hindi kung puwede o hindi mo siya puwedeng mahalin." Hindi siya umimik. Hindi niya alam ang isasagot.

"Ngayon na lang uli kita nakitang ganyan kasaya, Red, simula nang iwan ka ni Rogue. Pumayag kang magpakasal hindi lang dahil gusto mong gumanti kay Rogue at isalba ang negosyo natin kundi dahil gusto mo siyang makasama."

"Hindi ko alam."

"Alam mo pero ayaw mo lang aminin sa sarili mo."

Binitawan niya ang cell phone at sumandal sa swivel. Sa simulang pagkikita pa lang nila ni Rostov ay may naramdaman na siya para sa lalaki. Isang bagay na hindi man lang niya naramdaman kay Rogue sa una pa lang nilang pagkikita. Iyong pakiramdam na para bang kilala niya ito; parang kilala ito ng katawan niya para mag-react ng gan'on sa tuwing mapapalapit ito sa kanya. Ibinigay niya ang sarili niya ng gan'on kabilis kay Rostov at hindi man lang siya nakaramdam ng pagsisisi, at sa halip ay ayaw niya pa iyong matapos.

Basta ang alam niya ay gusto pa niyang maramdaman ang mga yakap, halik at haplos nito. Ayaw niyang malayo kay Rostov, hindi pa siya handa. Nasanay na ang buo niyang sistema sa presensiya ng lalaki. Sa apat na araw na pagkakalayo nila ay totoong nangulila siya nang husto. Kung pagmamahal ngang matatawag ang nararamdaman niya ay marahil mahal na nga niya ito at nanatakot lang siyang aminin dahil kabuntot lagi ng salitang "mahal" ay "sakit".

Pinukaw ang saglit niyang pagkakatulala ng mga katok sa pinto at kapagkuwa'y bumukas iyon. She gasped, her mouth and eyes widenened in surprise as she saw Rostov entering the office. Ang akala niya ay hindi ito makakaluwas dahil iyon ang sinabi ng binata.

"Rostov!" She quickly got up and run toward him, She crashed her body against him that made him laugh.

"You're here! Oh my God! I missed you!" Walang babalang naghalikan ang dalawa. Mahigpit na nakapulupot ang braso ni Rostov sa baywang niya habang ang kamay naman ni Red ay nasa gilid ng leeg ng binata.

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon