Epilogue

243K 5.5K 482
                                    

Thanks for reading! Sana makabili pa rin kayo ng book. Maraming salamat po!

Three years later...

KUNTENTONG-KUNTENTO si Red sa buhay may asawa. Wala na siyang mahihiling pa. Sa tuwing uuwi siya ng bahay mula sa pakikipag-meeting sa mga kliyente ng Dream Wedding ay naroroon lagi ang excitement na marating agad ang bahay dahil naroroon ang kanyang kaligayahan at naghihintay sa kanya. Sa mansiyon na lang siya nag-oopisina. Si Tessmarie ang namamahala ng Dream Wedding habang siya ay sa bahay na lang nanatili at through online na lang nila ni Tessmarie idini-discuss ang lahat ng tungkol sa negosyo.

Pero minsan ay luluwas siya para magtungo sa Dream Wedding at lagi naman siyang present kapag nasa mismong venue na sila at aasikasuhin ang event. Siya naman ang in-charge sa pakikipag-meeting kung malapit lang naman sa area niya ang client katulad ngayon, galing siya sa bayan at nakipagkita sa isang kliyente na taga-Infanta lang din. Pinuntahan nila ang isang venue para sa reception ng kasal nito.

Nang maihimpil niya ang sasakyan sa tapat ng mansiyon ay agad siyang umibis dala ang dalawang paper bag na may lamang laruan. Malapad ang ngiting pumasok ng mansiyon si Red. She immediately wandered her gaze through out the mansiyon, searching out Rostov and their children. Sanay siya na kapag pumasok siya ng bahay ay agad niyang makikita ang mag-aama niya at agad siyang sasalubungin. Sa tuwing aalis siya ay hinding-hindi aalis si Rostov ng bahay. Ito ang personal na mag-aalaga sa mga anak nila.

May narinig siyang kalabog mula sa kusina, parang may nahulog na isang bagay. Inilapag niya muna ang paper bag at bag sa sofa at tinungo ang open kitchen and her eyes nearly popped out of her head as she saw her two-year-old sons raiding the fridge. Thunder turned to the direksiyon where she was standing and uttered 'mama' and a wide cheeky smile spread on his lips na talagang pumapawi ng kanyang pagod. Punong-puno ng chocolate frosting ang mukha nito at mukhang nilantakan ang chocolate cake na nasa fridge.

Si Hunter naman ay hindi man lang lumingon. Nanatiling nakaharap sa ref at abala sa pagkain ng cake gamit ang kamay. Nasa sahig naman ang isang plastic bottle ng apple juice at natapon na ang laman at kung ano-ano pang laman ng fridge. Nagkalat iyon sa sahig. Agad niyang nilapitan ang dalawa at binuhat nang sabay.

"Ano ang ginawa ninyo? Where's papa?" ubod ng lambing na tanong ni Red. Thunder and Hunter just chuckled at maging siya ay natawa na lang din dahil sa itsura ng ubod na cute niyang mga anak.

Agad siyang bumalik ng sala at nagtatakang hinanap si Rostov. Hanggang sa may marinig siyang malakas na tawa na nagmumula sa entertainment area. Hindi iyon makikita mula sa sala dahil nasa likod iyon ng hagdan. Agad siyang nagtungo roon na karga ang kambal. Napailing siya nang makita ang dalawang lalaki na naglalaro ng xbox. Nakalatag sa likod ng dalawa ang blue fluffy blanket at nagkalat doon ang mga laruan ng mga bata. Mukhang hinayaan nitong maglaro ang dalawa at hindi namalayan na natakasan na sila.

"Rostov?" Tawag niya rito. Tumatawang lumingon ang magkapatid sa kanya. Tinaasan niya ng kilay si Rostov at Rogue na nagpresentang mag-alaga sa mga bata at pinayagang manood ng sine ang yaya kasama si Dara.

"Patay!" Usal ng dalawa. Mabilis na tumayo si Rostov at agad siyang nilapitan.

"Saan kayo nanggaling?" Nag-aalalang tanong nito at kinuha si Thunder mula sa kanya.

"Pabaya ka! Paano kung may mangyaring masama sa mga anak natin?" Napakamot sa ulo si Rostov.

"Sorry, baby, hindi ko namalayang wala na sila sa likod namin." Wala na siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang.

"Ayaw ko nang mauulit ito." Mahinahong sabi niya, mabilis namang tumango si Rostov at agad siyang ginawaran ng halik sa labi.

"Papaliguan ko muna sila." Sabay na ang tatlong nagtungo sa may sala.

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon