27

13.8K 393 25
                                    


Yazzy's Pov

Nakatitig lang kami sa isa't isa ngayon.Kita ko ang galit sa mga mata niya.

"A-Akala ko ba wala na?Bakit ka pumunta dito para sabihin lang yan?"kunot noo kong sabi sa kanya.Kita ko naman ang pag iwas niya ng tingin.

Magsasalita pa sana siya ng may sumingit sa usapan namin...

"Anak--Thunder."pareho kaming napalingon ni Thunder kay Tatay na ngayon ay nakatayo sa likuran ko.

"T-Tay."

"Iho ikaw pala,bakit hindi mo siya papasukin Anak?Mainit ang panahon."

"Tay,paalis na po siya."sabi ko at muling lumingon kay Thunder na ngayon ay maayos nang nakatayo."Diba paalis ka na?"tanong ko sa kanya.

"No Yazzy,Sir,I will stay.Kailangan ko rin pong kausapin itong anak niyo."sabi nito at seryosong tumango kay Tatay.

"Sige,Anak asikasuhin mo siya dahil bisita mo siya.Mamimili lang ako sa grocery."sabi ni Tatay at nilampasan kami.

Tatawagin ko pa sana siya ng harangan na siya ni Thunder kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Walang anu-ano'y pumasok na siya sa bahay namin.Wala akong nagawa kundi ang isara ang pinto at sumunod sa kanya na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa namin.

Umupo na lang ako sa tapat niya.

"Ano bang pag uusapan natin?"bored kong tanong sa kanya.

"Hindi mo ba aalukin ng pagkain ang bisita mo?"tanong niya sakin at ngumisi.

"Kelangan pa ba?"tanong ko sa kanya.

"Well,i cancelled all my meetings to talk to you Yazzy."

"So?Anong gagawin ko?Sinabi ko bang ikancel mo lahat at pumunta ka rito?"mataray na tanong ko sa kanya.

"Why are you like that?Ako na ang naghahabol,tinataboy mo pa ako.Ako na ang iniwan pero ikaw pa ang galit."nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Akala ko ba tapos na tayo dyan Thunder?Moved on ka na diba?"iritang tanong ko sa kanya.

"I-I'm sorry."

"Okay lang sa susunod kasi wag mo nang i-bring yung topic na---"

"No,I'm sorry for everything.Sorry for hurting you.Sorry kasi nalaman mo dati na ikakasal na ako.I'm sorry."pakiramdam ko nanghina ako sa mga sinabi niya.

"T-Thunder..."

"Kung maibabalik ko lang yung mga araw na magkasama tayo dati.Kung meron lang time machine,maiibalik ko yung dating tayo."nagulat ako sa luhang lumabas sa mata niya.

"Yazzy,if i ask you a another chance will you give me?"

*******

My Boss Is My Ex-boyfriendWhere stories live. Discover now