S.C [4]

117K 1.4K 23
                                    

Special Chapter 4 <Andrea and Carlo's Special Chap>

Author's POV

Wondering who's Carlo? Siya yung lalakeng nakabanggaan noon ni Ellaine sa Starbucks after niyang magpaka-emo dahil iniwan siya ni Janine dahil may honeymoon pa daw sila ni King.

Na-gets niyo? Hinde?

Just backread Chapter 42 ^_^

***

'Ang tagal na naming hindi nagkikita.. kilala niya pa rin kaya ako?' kinakabahang tanong ni Carlo sa sarili niya.

'Syempre, bakit naman hindi ka niya makikilala? Matagal nga kayong hindi nagkita pero hindi naman sobrang tagal para hindi ka niya makilala' sagot naman niya sa sarili niya.

Bigla siyang nagkamot ng ulo.

Siya? Siya nga pala si Carlo Alcantara. Ang childhood bestfriend ni Andrea Corbinn.

Siya lang ang pinakauna-unahang tao na hindi naaasar sa pagcoconyo ng bestfriend niya dahil nga simula pa ng bata sila ay sanay na sanay na siya.

Natandaan niya pa dati na hindi naman nagcoconyo si Andrea.  Kaso nang makilala niya ang isang ingleserang bata ay ginaya na niya ito.

.Flashback. <Carlo's POV>

"Carlo! Carlo! Nakita mo ba siya? Ang asteg niya mag-english diba??" tuwang-tuwa na sabi sa kanya ng isang batang babaeng bungi.

Isa akong tahimik at mabait na bata noon. At ito naman ang bespren ko.

"English? Asan?" tanong ko habang excited na makita rin ang batang inglesera.

"Ayun oh! Bulag ka ba? Halika, lapitan naten!" sabi ni Ann at hinila ako papunta sa batang tinutukoy niya.

Nakapunta na kami sa parte ng playground na may sandbox. At nakita namin ang isang batang babae na mag-isang naglalaro doon.

"Hi!" bati sa kanya ni Ann at binitiwan ang kamay ko. "Ako nga pala si Andrea! Pero pwede mo kong tawaging Ann!" Nakangiting sabi niya kaya't kita ang bungi niyang ngipin.

Napatawa tuloy ako ng wala sa oras. Ang kyot kyot kasi ng bespren ko ngumiti eh ^o^

"Hoy! Tumatawa ka dyan? Bungi ka rin kaya!" sabi niya sa akin kaya tumahimik na lang ako.

Nakita naming napatawa yung batang babae. Waaah~ Ang ganda niya.

"Hi! I'm Melanie..! Nice to meet you!"   nakangiting pagpapakilala niya. Napatulala na lang kami ni bespren sa kanya dahil maganda na nga siya tapos hindi pa bungi!

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon