Chapter 34

2.6K 115 39
                                    


Chapter 34 - Friends 


I should not have gotten used to it.

Nasanay ako na may sumusundo sa'kin tuwing umaga, na pagbukas ko ng pinto, nakaparada na sa harap ng bahay ang paborito kong sasakyan habang nakasandal dito ang masungit at snob na nagmamay-ari sa kanya.

Nasanay din akong pumasok ng five minutes before class sa ilang araw na pag-iwas ko sa mga tanong ni Miles. Nawala sa isip kong ibinalik ko na nga pala si Cayenne, at kailangan kong mag-taxi pagpasok dahil gamit ni mama ang kotse.

Late lang naman ako ng forty-five minutes sa first class dahil hindi agad ako nakasakay ng taxi, at inabot pa ako ng traffic.

Pagdating ko sa room, wala pang kahit isang tao. My dumb ass thought for a whole minute na maaga pa pala, at hindi ako late bago ko naalala na PE nga pala namin ngayon and we're supposed to be at the pool area.

Tinakbo ko ang papunta sa locker room at nagpalit ng pang-swimming; a black rash guard, which the school provided last week.

Actually, when I first heard about the swimming class, I was excited. But only now do I realize that we're in the middle of November and it's freezing cold!

Bare-footed, tumakbo ulit ako papuntang pool area. It isn't that far from our classroom (thank goodness), but I have to sneak in para hindi ako makita ni Sir Ramil. Pinaparusahan niya kasi ang mga late sa class niya, either 20-50 push ups, o kaya naman tatlo hanggang limang ikot sa track field. Depende sa mood niya.

Luckily when I arrive, my classmates are scattered everywhere. Madali akong nakalusot. Busy rin si Sir sa pagmo-monitor ng mga students sa pool na lumalangoy na.

Pasimple akong tumabi kay Sam sa bleachers, who instantly frown at the sight of me.

"Sorry I'm late." Bulong ko.

"Why are you late? Buti hindi ka nakita ni Sir."

I smile sweetly, "It's my lucky day."

Nasa likod namin si Miles at ang best friend niya. Ramdam ko ang mga mata nila kahit hindi ako lumingon.

"Lee, Moretta, Oreste, Quizon. Backstroke, now." tawag ni Sir nang matapos ang isang batch ng classmates namin sa pool.

Napatanga ako. Syet, floating lang ang alam ko. "Na-demonstrate na ba ni Sir 'yon?"

"Yes, kanina." Sam whispers back.

Oras na sumawsaw ang paa ko sa tubig, gusto ko na lang tumalon paahon sa pool. "Fuck, ang lamig."

"What's that Moretta?"

"N-nothing, s-s-sir." I stammer as my whole body shivers.

I want nothing more than to get out of this pool. Pero hindi sa'kin nakapanig ang tadhana, dahil hindi nasisiyahan si Sir Ramil sa backstroke na ginagawa ko. Ilang beses niya akong pinaulit-ulit. Natapos ang mga kasabay ko, pero ako pinag-practice niya pa sa gilid!

Lamig na lamig na ako eh!

After a while, pinalabas na rin ni Sir Ramil ang mga nakatapos na dahil nanginginig na rin ang karamihan sa lamig. Pero pina-iwan niya kaming tatlo na hindi makapag-backstroke nang maayos!

Ako, si Hazel, and surprisingly, pati si Yvo.

"Don't wait for me. Mauna na kayo, susunod na lang ako." sigaw ko kay Sam na naka-upo pa rin sa bleachers, kahit naglalabasan na ang mga classmates namin. Nakabalot na siya ng tuwalya, nilalamig na rin.

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon