Chapter 24

762K 15.1K 5K
                                    

Chapter 24

"A-ano?"

Isang minuto akong hindi nakapagsalita.

Marry him?

He looked at me, bit his already bleeding lip and nodded. "Oo, Alys. Pakasalan mo ako. Mahal mo ako, di ba?"

"Tripp..." I trailed off. God! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Oo, mahal ko siya pero hindi ba masyado siyang nagpapadalos dalos sa sinasabi niya? Bakit ba niya ako gustung pakasalan? Kasi threatened siya kay Drake? What kind of a pompous reason was that?!

He smirked at tinalikuran ako. Inilagay niya yung mga kamay niya sa batok niya. "So dito rin pala tayo babagsak, Alys. Drake pa rin."

"Stop it!" sigaw ko sa kanya. "Bakit ba puro ka Drake?! Nandito na nga ako, di ba?! Nagpapaliwanag na ako and yet you're being an ass!"

Natawa siya sa sinabi ko. God, what's happening?! Nasan na yung Tripp na kilala ko? Yung Tripp na tahimik lang?

"Ass, Alys? Siguro naman may karapatan akong maging ass, di ba? Shit, Alys. 2 years. 2 years akong naghabol sa'yo. Tapos nung sa wakas nahabol kita, 2 years naman akong nanghula kung ako na ba talaga. Shit, Alys. 4 years na akong nababaliw! Siguro naman may karapatan akong maging gago kahit minsan!"

Hinablot ko yung tubig na iniinom ko kanina at ininom. Ano ba! Kasalanan 'tong lahat ni Drake!

"Ako? Hindi mo ba naisip kung gano ako nag effort na ipakita sa'yo na ikaw na, ha?! Palibasa puro insecurities mo ang nakikita mo! Pano naman ako?!"

Tumalikod siya sa akin pero nararamdaman ko na umiiyak siya. God, he's shaking. Damn, Alys! You're hurting him!

I wanted to come near him and console him... but I can't. Not now. Sobrang gulo naming dalawa. Siguro dahil na rin ngayon lang lumalabas lahat ng issue namin. Akala ko talaga perfect kami sa isa't isa kasi alam mo yun? Hindi kami nag-aaway. We're always together, always agreeing on the same things. Pero yun pala, pareho lang kaming in denial. Gusto namin ng perfect relationship kaya pilit naming iniiwasan yung issue... si Drake.

And guess what? Hindi niya kami tinigilan. 

"Alys, iwan mo muna ako," he said after a few seconds.

"Ayoko."

"Please."

Lumapit ako sa kanya at ipinatong ko sa balikat niya yung kamay ko. "Tripp naman..."

Nagulat ako ng hawiin niya yung kamay ko. Damn. Masakit pala talagang itulak ka palayo ng taong gusto mong lapitan. Nakakabaliw pala talaga.

"Umalis ka muna, Alys. Mag-aaway lang tayo kung hindi mo ako iiwan."

Huminga ako ng malalim bago tumango.

"Okay," I said. "Pero babalik ako, Tripp. Hindi pa tayo tapos mag-usap."

Lumabas ako sa opisina niya at nakita ko ang secretary niya na nakatingin sa akin. Siguro narinig niya ang sigawan namin, siguro nagulat siya na sumisigaw si Tripp. Kahit naman ako nagulat din. Ngayon lang... ngayon ko lang siya nakita na ganyan kagalit, na sa sobrang galit niya, naiyak na siya.

Bakit ayaw niyang makita ko siyang umiiyak? Mas masakit, e. Sana naman ipakita niya sa akin na nasasaktan siya kasi ako nasasaktan din ako. Sana naman alam niya yun. Hindi lang naman siya yung nahihirapan, ako rin naman. Hindi lang naman siya yung nagmamahal, ako rin naman.

Pumasok ako sa sasakyan ko at umiyak.

Gusto ko na lang matapos lahat ng 'to. Ayoko na. Gusto ko lang naman ng simpleng buhay, ayoko ng ganito. Parang araw araw na lang may nangyayari. Minsan natatakot na akong gumising kasi tuwi na lang gigising ako, may masamang nangyayari. 

Dating Alys Perez (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon