18: Upside Down World

25.4K 1K 75
                                    

Hindi agad nakapagsalita si Grams Octavia nang sabihin ko sa kanila ang tungkol sa visions ko at kung paano ko iyun nakikita. Kakatapos lang naming maghapunan at wala ni isang tumayo. Seryoso kaming lahat habang nag-uusap.

"Kung gan'on nakuha mo ang dalawang kapangyarihan ni Otillie kahit na hindi ka pa nag-Channelling," ani Grams.

"Kung si T ay reincarnation ni Gregory Bloodworth, baka si Savannah ang reincarnation ni Otillie Simmons," biglang palatak ni Faizah.

What? Naalala ko nanaman bigla ang vision ko. Kung paano maglampungan ang mga ninuno namin.

Eww.

Tumawa si Faizah. "Bakit ka namumula?"

Hindi ko sinabi sa kanila ang mainit na tagpo nina Otillie at Gregory. Sinabi ko lang na nakita ko silang magkasama at may relasyon.

"H-Hindi ako namumula," deny ko pa.

"May gusto ka ba kay T?" tila nang-aarok na tanong ni Faizah.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" pinanlakihan ko s'ya ng mga mata. Hindi si Titus ang dahilan ng pamumula ko kundi 'yung live show nina Otillie.

Tumawa s'ya. Ngumiti lang si Grams at mataman naman akong tinitigan ni Lorenzo.

Ugh! Pahamak talaga itong si Faizah.

But really. Ako reincarnation ni Otillie?

Nah. Hindi naman siguro. Gusto kong mabuhay bilang Savannah Fitzgerald. Hindi bilang isang witch na gumawa ng spell para lang sa kanyang forlorn love affair. That seemed to be so selfish. You should not steal other people's lives to satisfy your desires.

"Hija," narinig kong sabi ni Grams kaya tumingin ako sa kanya. "Marami ka pang malalaman tungkol sa bayan na 'to at sa mga nakatira dito. Sana handa ka oras na matanggap mo ang mga visions na 'yun."

Tumango ako. Nakakakilabot naman ang tono ni Grams. Para bang sinasabi n'yang may mga sekreto akong malalaman na maaaring hindi ko magustuhan.

"I will get some rest now. Good night," biglang tumayo si Lorenzo at hindi na kami nilingon nang umalis.

"Nagseselos 'yun panigurado," komento ni Faizah na nakangisi sa akin.

"Huh?"

Si Lorenzo nagseselos? Kanino?

"Faizah, tama na nga 'yan. Iligpit mo na itong mga pinagkainan natin," ani Grams.

"Opo," nakasimangot na sagot ni Faizah.

Hindi ko alam kung bakit nasabi ni Faizah na nagseselos si Lorenzo. Hindi ko na lang pinansin iyun dahil hindi naman siguro ako konektado d'on.

Two days passed at sabay kaming pumasok ni Faizah. Inihatid muna namin si Max sa High School bago kami dumeretso dito sa school namin.

Nasa classroom na sina Nadine, Matteo at Titus. Busy ang babae sa pagsusulat, si Matteo ay nakikipaglandian sa mga babaeng bampira na classmates namin at si Titus naman ay mukhang inaantok na nakatingin sa akin.

Naramdaman kong siniko muna ako ni Faizah bago s'ya nagtungo sa upuan n'ya.

Sumimangot na lang ako saka ako lumapit sa upuan ko. "Ano nanaman bang problema mo?" mahina kong tanong sa kanya.

Ininguso niya si Titus kaya napatingin naman ako sa lalaki. Nakapikit na ito kaya muli akong bumaling kay Faizah.

"Baliw ka talaga," komento ko saka ko inilagay sa upuan ang cushion at komportableng umupo doon. Hindi pa pala ako nakapagpasalamat sa masungit na bampira para dito. Sa totoo lang ang galing n'ya kasi naisip n'ya ang cushion na'to. Napaisip lang talaga ako kung bakit n'ya ako binigyan nito.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon