LTMS: Prologue

243K 2.8K 297
                                    

Prologue

Ang buhay ay parang isang awitin

Minsan nasa tono

Pero minsan nama'y sintunado

Minsan dahil na rin sa:

Family, financial

At mapa-Love problems.

(hay, hindi naman kasi nauubusan ng problema ang tao)

Kaya kung gusto mong nasa tono ka

Makisabay ka na lang,

Makisabay ka sa agos ng buhay

Huwag mong pansinin ang sinasabi ng iba

Hanggat alam mo sa sarili mo na yun ang gusto mo

May magagawa ba sila?

Manghusga sila hanggang kailan nila gusto

Dahil ikaw at ikaw lang rin naman ang lubos na nakakakilala sa sarili mo.

Kaya minsan kung may problema ang isang tao

Umupo ka sa tabi nya at makinig sa kwento nya

Hindi mo alam na sa simpleng pag-upo mo doon ay isang malaking bagay na para sa taong yun.

Kaya okay lang ba sayo'ng umupo sa tabi ko?

Ang hirap kasing mag-isa

Makinig ka lang, masaya na ako. Nang mabawasan ang bigat na pinapasan ko.

Ito na...

Makinig ka sa aking awitin

Makinig ka sa awitin ng buhay ko.


Copyright © by G. J. Dion (wistfulpromise)

Originally published in Wattpad © 2012 

Self-published © 2017

All Rights Reserved.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon