Chapter 4 ♬ So Different

70.2K 1.2K 46
                                    

CHAPTER 4 – SO DIFFERENT

NIEL

Nasa labas sina dad at Serene upang mag-usap. Hindi ko maalis ang tingin sa kanila kahit kasalukuyan akong naghahanda para sa praktis ngayon. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Bakit siya mukhang malungkot? Naalala ko bigla ang kaganapan noong araw na sinabi sa akin ni Nathan na may bago raw kaming kabanda na ipapakilala sa amin.

Sinimulan ko ang maglakad papunta sa harap ng mga locker para kunin ang paborito kong gitara noong araw na 'yun. Sinulyapan ko ang relo na suot at nakita na alas-siyete pa lang ng umaga. Isa't kalahating oras bago ang pagtunog ng bell. Sa gano'ng mga oras ay wala pang gaanong estudyante na pumapasok. Masyado pa kasing maaga. Lahat kami sa banda gano'ng oras pumapasok sa school. Mas maganda kasi kapag gano'n, malayo sa mga schoolmates namin na hindi magkanda-mayaw sa kakatili at kakalapit makita at magpansin lang namin.

"Hoy pare!" ani Nathan habang tinatapik ang balikat ko. "Balita ko may bago raw tayong band member ah."

"Band member?" kunot-noo ko. "Kailan?" Sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan minsan o sadyang pinaglololoko niya lang ako. Pagdating talaga sa chismis tinalo pa niya ang mga babae. Napailing na lamang ako sa inaasta niya.

"Ano ba 'yan, wala ka ba kanina no'ng sinasabi ni tito 'yung balita?"

"Anong oras?"

"Thirty minutes ago?"

"Aah. Nagbabasketball kami nina Jace at Shane no'n."

Humalukipkip siya at saka ako binigyan ng tingin. "Ay madaya. Ni hindi kayo nagyaya?"

"Five-thirty practice game 'yun. As if gigising ka ng gano'n kaaga?"

"Sabi ko nga." Tawa niya noong mapagtanto rin ang sinasabi ko. Sumandal siya roon sa may locker. "Wala talaga kayong magawa ano? Ang aga namang practice niyan."

"Ang sabi kasi ni dad may band practice raw ng six-thirty kaya inagahan ko. Ang kaso nakansela naman dahil may meeting siyang kailangan puntahan. Buti nga maaga rin sina Jace at Shane kaya nagkayayaan na lang kami. Hawakan mo nga." Inabot ko sa kanya ang gitara ko dahil inayos ko ang mga libro na muntikan ko nang mahulog. "So anong balita kanina?"

"Na may bago raw tayong band member at ipapakilala sa atin mamaya—" napatingin siya sa suot kong relo sabay hila nito papalapit sa kanya. "Oh, you know what. Actually, it's 7:10 am already. Baka nga naroon na sila sa studio. Halika na!"

Kasasara ko lang ng lockers ko nang bigla na lang niya akong hinila. "Hoy pare sandali lang! Baka malaglag mo 'yang gitara ko ah!"

"Hindi 'yan. Ako ang bahala. Ang bagal mo kasi! Dali na baka mahuli tayo. Sino kaya 'yun ano? Pogi rin kaya tulad ko?" Si Nathan talaga kahit kailan. Natatawa na lang ako sa kanya.

Dumating kami ni Nathan sa band studio na panay ang tawanan at tulakan. May nakita kasi kaming bagong estudyante kanina at sinubukan ito ni Nathan na yayaing makipag-date sa kanya. Nathan was a total player. Hindi na ako magtataka kung ang pakikipagdate sa iba't ibang babae ang paborito niyang libangan. Nakipagpustahan si Nathan sa akin na mapapasagot niya raw ang babae agad-agad. Gano'n na lang ang gulat ko noong naging tama siya. Natalo ako. Panay tuloy ang pang-aasar niya sa akin. Sayang. Isanglibo rin 'yon.

"Hindi pa ba tayo magsisimula? Anong oras na o," naiinip na reklamo ni Rico pagkadating na pagkadating namin doon. Mukhang kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan niya. Parehas na parehas sila ni Nathan na hindi makapaghintay na makita at makilala kung sino nga ba ang bagong miyembro na ipapasok sa banda. Sa totoo lang ay pinagpupustahan pa nga nila kung ano raw ang itsura. Ipinagdadasal pa nila na sana raw mahilig din sa chicks para may bago silang miyembro na iha-hire sa grupo nila. Boring daw kasi kami nina Shane at Jace. Sila lang kasi ang mahilig gumala-gala. Masyadong matinik ang dalawang iyon pagdating sa mga babae. Nadadamay tuloy kaming tatlo kahit hindi.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon