Chapter 13: Allen

4.2K 174 0
                                    












~*~











(Cashmere's POV)











Umalis na kami sa hallway na yun at pumunta na sa kung saan.
Una, may mga mangilan ngilan pa akong fairies na nakikita, pero nung nagtagal at napalayo na talaga ang paglalakad namin, napansin kong wala nang fairy na iba pa maliban sa fairy ni Matthew na si Divine.

"Ahm. Ginoong Rio, paano po namatay ang aking mga magulang? Sabi po kasi nila lola namatay raw po sila dahil sa sunog, pero parang may parte po sa akin na nagsasabing hindi yun totoo." Paninimula ko nang topic.

"Maaring totoo, maaring hindi rin totoo ang sinabi ng Lola mo sayo. Kagaya nga ng sabi ko kanina, may tamang panahon para dyan." Ngiting sagot nya sa akin.

Lalo lang ako naguluhan. Ayoko na magtanong. Grabe!

"Pinuno, di po ba ito ang daan papuntang selda?" Nag aalalang tanong ni Divine.

Lalong ngumiti si Rio, at saka tumango.

"S-Selda?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Yung fairy ko, nasa selda? Prison sya? OMG!

"May nagawa syang kasalanan kani-kanina lamang." Baliwalang sagot ni Ginoong Rio na nagpagimbal sa akin.

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Asawa ni trouble loko ang fairy mo Cash." Natatawang sagot sa akin ni Matthew.

Pakstay.

"We're here. Ready?" Nagsitanguan naman ang dalawa.

Binuksan ng padabog ni Rio yung bakal na pinto, dahilan para mapatingin lahat ng naroon.

Wala pang ilang segundo, may humagis na sa aming yelo na may kuryente. Seryoso? Muntik na mukha ko dun ah.

"Magandang pagbati yan Allen." Ngising sabi ni Rio.

"Pinuno. Namiss ko kayo." Sabi ng isang lalaking tinig.

Nakakatakot rin palang ngumisi ang matandang to. Naagaw naman ng atensyon ko ang pigura ng isang tao sa may gilid sa dilim, literal na kasing laki ng tao kagaya ko. Unti-unti syang lumabas sa dilim. Nakahood sya. Para syang cloak. Cloak nga ata yun. Lols.

"Bumalik ka na sa totoo mong anyo Allen. Nandito na ang matagal mong hinihintay."

"Alam ko, ramdam ko." Nakangisi nyang sabi.

Hindi ko makita ng maayos yung mukha nya dahil natatakpan ito ng cloak na kanyang suot.

Maya-maya pa'y lumiwanag sya habang may binibigkas na kung ano. Napatingin na lang ako sa kanya. Ang totoo nyan, titig na nga ang ginagawa ko. Hindi ako makapaniwala. Lumiit sya, nagkaroon ng pakpak, f-fairy sya? How? Oo nga pala, nasa world of magic ako. Totoo to. Pero paano nagawa nya nagawa yun?

Nagulat ako ng lumipad sya sa harapan ko. Tinanggal nya yung hood nya. Tumambad sa akin ang maliit nyang mukha. Maputi, color sky blue at may kaunting dilaw sa gilid ang mga mata, matangos ang ilong, mahaba ang tenga at matikas ang katawan. Yan ang describe ko sa maliit na nilalang na to.

"Ikaw na ba talaga ang master ko? Andito ka na ba talaga? Hindi na ito isang panaginip hindi ba?" Sunod-sunod na tanong ng binatang boses sa isip ko.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon