Chapter 5 ♬ Painful Memories

70.3K 1.3K 75
                                    

CHAPTER 5 – PAINFUL MEMORIES

SERENE

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Pagdating sa bahay matapos ang pag-uusap namin ni Mr. Valdez umakyat agad ako sa kwarto, isinara ang pinto at dumiretso sa higaan. Tinakpan ko ng unan ang aking mukha at sinimulan ang pag-iyak.

Ang sakit. Ang sakit-sakit balikan ang nakaraan.

Alam ko sa sarili na kailangan ko 'tong harapin. Walang mangyayari kung tatakbo lang ako ng tatakbo dahil kahit saan ako magpunta alam kong hahabulin at hahabulin lang ako nito.

Sandali kong iniangat ang tingin at nasulyapan ang larawan ko sa may dingding kasama ng mga kabarkada na naiwan ko roon sa Canada. That picture was taken two years ago. Noong panahon na masaya pa ako. Noong panahon na normal pa ang buhay ko.

"The Intricate will be forever as strong as this! Cheers!" Malinaw pa sa aking alaala ang mga kaganapan na nangyari noong mga araw na iyon. Masayang itinaas ni Kuya Paul ang hawak na Vodka sabay inom nito dahil sa kasiyahan na tinatamasa namin. Paul Burrows ang buo niyang pangalan, ang matalik na kaibigan ng nakatatanda kong kapatid na si Kuya Zen.

"Cheers!" Pakikisabay pa namin nina Julian, Reece, Sharie at kahit pa si Pietr habang hawak-hawak ang sparkling juice sa mga kamay namin.

"Come on, drink more! Cheers!" hirit pa ni Kuya Zen. Kumuha pa siya ng isang bote at itinaas ito sa ere para sa panibagong pag-inom. Parehas sila ni Kuya Paul na parang baliw. Nakisakay naman kami at masayang itinaas ang inumin namin.

Magkatabi si Kuya Paul at si Kuya Zen sa upuan, nagtatawanan. Parehas na sinisinok. Parehas na nagkakantahan. Parehas na ayaw magpaawat kahit halatang pulang-pula na ang mga mukha nila dahil sa kalasingan.

"We are the champion... of the woooorrld!"

Palibhasa labing-walong taong gulang na at nasa legal na edad na para uminom at magpakalasing. Sila lang ang Senior student sa grupo namin na puro Juniors.

Hindi maitago ang saya sa mukha namin dahil sa pagkakapanalo sa isang dwelo mula sa mga kalabang gang noong araw na iyon. Kapag talaga kaming pito ang nagsama-sama, walang makakatalo sa amin.

The Intricate ang pangalan ng grupo namin at isa ito sa mga sikat na organisasyon sa aming lugar lalong-lalo na sa school na pinapasukan namin. Isang organisasyon kung saan ipinagtatanggol namin ang mga binubully mapa-school man o kahit saang lugar na nasasakupan namin. Full support ang lahat ng teachers at schoolmates sa grupo kaya naman kilalang-kilala kami pati na rin ang lahat ng mga tapat naming miyembro.

Sa umaga kami ang tumatayong modelo sa lahat ng estudyante dahil kung may kailangan ka man, huwag kang mahiyang lumapit at magtanong dahil tutulungan ka namin hanggang sa makakaya namin. Sa hapon, pagkatapos ng school ay isa rin kaming banda. Sikat hindi lang sa school kundi pati na rin sa buong Canada na habang tumatagal ay nakikilala na rin sa buong mundo. Bilib lahat ng teachers at lahat ng taong nakakakilala sa amin dahil kami ang tumatayong peacemaker. Hindi lang sa pagtulong kundi dahil na rin sa paghahatid namin ng magandang musika sa kanila.

Ngunit may malaking sikreto ang grupo na talagang mga tapat at piling miyembro lamang ang nakakaalam. Dahil pagsapit ng gabi ay nagtatapos ang palabas. Ang 'The Intricate' na organisasyon na kilala ng lahat bilang peacemaker at sikat na banda ay isa talagang parte ng tinatawag naming Gangster Society. Nakikipaglaban at nakikipagbugbugan kung kinakailangan para mapanghawakan namin ang titulong inaasam-asam ng iba't bang gang sa lugar o saang panig man ng mundo. Walang iba kundi ang titulo naming 'the undefeatable gang'.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon