2

73 4 0
                                    

Shin's POV

Mainit. Maingay. Magulo. Siksikan. Ganyan ngayon dito sa basketball court sa DVU. Tuwing may laro kasi yung mga varsity siyempre full support ang school.

"Paging Shin Iris to the boy's locker. Shin Iris." Pag-announce ni coach Cyrus at naglakad na ako papunta sa boy's locker. Pustahan gagawin na naman akong water girl nitong mga hinayupak na 'to.

"Ano na naman?!" Bungad ko sa kanila.

"Alam mo na trabaho mo." Sabi ni kuya M.A at kumindat sakin. Kung hindi ko lang talaga 'to kuya matagal ko nang tinanggalan ng bituka 'to eh.

"Aba! Di ako pinanganak para maging water girl niyo!" Sigaw ko at binato ko sila ng bottled water.

"Thanks!" Sabay-sabay nilang sabi dahil nasalo nila yung binato ko. Peste.

"See? Kaya di ka namin mapalitan eh. You're good at your job." Sabi ni Blake at inirapan ko naman siya. 'Wag niya akong simulan dahil hindi ko pa siya napapatawad na pangtitrip nila samin ni Kris kahapon. Medyo naging close tuloy kami nung tao.

"Okay, this time. Ganito ang strategy..." Pagpplano nila habang ako ay kumakain ng mga pagkain nila. Hindi naman kasi nila makakain. Sayang lang.

Lumabas na ko mula sa locker nila at umupo sa bleacher na malapit sa court. Sanay na naman 'yung mga tao sakin dahil nga, kuya ko yung dalawang player, at yung tatlo mga kaibigan ko naman. While yung iba pa nilang teammates ay nakakausap ko lang.

"Tell me what you see." Sabi ni Lance isa sa mga basketball player ng school at pinakita sakin yung phone niya na may clown at agad ko siyang napalo sa braso.

"Letche ka ah!" Sigaw ko sa kanya. Hindi naman kami nakakakuha ng atensyon dahil malakas ang sigawan ng crowd.

"Let us welcome, Alcantara High's Black Dragons!" Pag-announce ng emcee at nagsigawan ang mga tao. Nakakabinging sigawan.

"Go Kris!"

"I love you, Kris!"

"Go Kurt!"

"Kaya mo yan Kris!"

"Mahal ko si Kris!"

Bakit kay Kris lang sila nagch-cheer? Well, yun kasi yung nangigibabaw na pangalan mula sa sigawan ng crowd. Lumabas na sila mula sa locker room nila at lalong lumakas ang sigawan.

"And of course, let us welcome our very own, Cute Pandas!" Announcement ng emcee at nagtawanan ang mga tao.

I cheered for them at nakipag apir kay coach Cyrus na katabi ko. I'm the one who picked their name. Dahil ayaw nila akong pakawalan as their water girl, yun ang naging consequence ko sa kanila.

"GO MGA BES! KAYA NIYO YAN!" Sigaw ko at inirapan lang nila akong lahat. Tignan mo yung attitude nitong mga 'to.

Agad na nagsimula ang laro, chill lang akong nakaupo dito sa tabi ng court habang naghahanap ng pokemon kaso nararamdaman kong may nakatingin sakin. I looked up at nakita kong time out pala. I looked at our team pero wala namang nakatingin sakin. I looked at the other team at nakita kong nakatingin sa'kin si Kris.

Tumingin pa ko sa likod ko, baka kasi hindi siya sa'kin nakatingin. Pero wala namang ibang tao na nakatingin sa direksyon niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakatingin pa din siya sa'kin. He smiled. Woah. Di ko alam kung anong nangyari pero parang bigla akong nawala sa sarili ko. Narinig kong pumito yung referee. I mouthed good luck to him at ngumiti naman siya.

I don't really care kung sino ang mananalo. But this time, I want my Pandas to lose. Para naman hindi na masyadong mayabang. Nakakaasar eh. Ang hahangin.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon