Landi: 38

2K 34 9
  • Didedikasikan kepada Jasmine Dequin
                                    

Thank you po sa 21k reads nyo!

Dedicated sakanya. i love you :*

Please read, vote and comment! <3

follow me on twitter! @StraberryBlends Salamaaaaat!

Lets pray for those people who was affected by the typhoon Yolanda.

sana Ligtas kayong lahat. Mahal ko kayo

xxxxxxxxxxxxxxx

AKANE's POV

"Mom, Dad. I missed you both. Eto ang unang Christmas na hindi ko kayo makakasama. Miss na miss ko na po kayo sobra." Mahinang salita ko sa puntod ng mga magulang ko.

Hindi na ko umiiyak kasi alam ko mas magiging masaya sila pag nakita nila akong ngumingiti.

Ilang araw na lang pasko na.

Christmas break na rin namin.

Walang Marian.

Walang Mikee.

Walang Josh.

at wala ring Miggy.

Tito Dex, Tita Shin and Bubble's Cafe staff lang ang mga lagi kong nakakasama.

Si lola naman ay nagpunta sa Clark para bisitahin yung iba naming kamag-anak dun.

Nagtagal pa ko ng ilang minuto bago ako umalis sa sementeryo at nagpunta sa isang park malapit sa subdivision namin.

"Ate, bili ka na po ng pastillas, yema, at mga pulboron." Alok sakin ng isang batang babae na may dala-dalang isang bilao ng mga native goods na matatamis.

Maputi siya pero madungis. Luma na yung damit na suot niya. Isang puting tee na nanilaw na sa dumi at isang faded na shorts.

"magkano yan?" tanong ko sa bata

"Limang piso lang po isang piraso ate." sagot naman niya sakin at ibinababa niya sa may bench yung bilaong dala niya.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya

"Elizabeth po." kahit nagtataka siya ay sinagot naman niya yung tanong ko.

Elizabeth.

kapangalan siya ni Mom.

"Bakit nagtatrabaho ka na? Ang bata mo pa ah. Asan ba ang parents mo?" Tanong ko sakanya

"Ah kasi po may sakit si nanay. nagtitinda po ako para may pambili ako ng gamot niya." malungkot na sabi ni Elizabeth

"Magkano ba lahat ng paninda mo?" Tanong ko ulit sakanya habang tinitignan siya

"Bibilhin mo po lahat ng paninda ko ate?" Parang di makapaniwalang tanong niya.

"Oo sana eh" sabi ko at nakita kong nagliwanag ang muka niya

Naawa ako sakanya dapat kasi kasama niya ang mommy niya at inaalagaan ito pero dahil sa hikahos sila ay nagtatrabaho siya.

"Ah ate ipapabilang ko po muna kay Lolo Ando kasi sakanya po tong mga paninda eh binibigyan niya lang ako ng pambili ng pagkain at gamot ni nanay." masayang sabi ni Beth at akmang bubuhatin niya yung bilao.

Payat siya at puno pa ng laman yung bilao at tingin ko ay mahihirapan talaga siyang buhatin yun

"Ako na magbibitbit niyan" sabi ko sakanya

"Wag na po ate, nakakahiya naman po eh." sagot niya sakin

"Ano ka ba. Mas Big girl ako sayo kaya ako na magdadala niyan. pag di ka pumayag ay di ko na bibilhin ang mga yan" muka namang natakot siya sa banta ko kaya napilitan siyang ipabuhat sakin yung bilao

When Landi Meets Hinhin (Published)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang