Chapter 28: Date and Tournament

615K 11.1K 4.6K
                                    

Chapter 28: Date and Tournament

Zandra's POV


Ang bilis ng oras, October na ngayon. 

Wala naman bago sa amin ngayon...

aral,

training,

maraming activities,

nagkaroon ng battle of the Bands pero 2nd place lang ang section namin, 

nagkaroon din kami ng Fashion show, at for the first time, sumali si Zandy.

Kinuha siya dahil sa votes ng mga classmate namin. 

Ang iba pang representatives ng class namin ay si Krissy, Kurt at ako.

Sa dami ng mga nangyayare, mas nagiging malapit sina Zandy at Krissy...

Isang beses, nagpaturo pa sakin si Zandy kung ano daw ginagawa kapag nagdedate.


---------------------------------Flashback


*bahay ni Zandrick*

Bumisita ako kina Zandy kasi magrereview kami para sa Periodical Exam.

Ganto kasi kami, laging nagpapair study para pag may di alam ang isa, ituturo ng isa. 

Habang nagmememorize ako sa science, parang di mapakali si Zandy.


"Pst Zandy, natatae ka ba dyan? Di ka mapakali ahh." tanong ko. 

"Hmm... mmmm..." napapaisip siya. 

"Hooy naman ehh tell me naaa..." sabi ko at niyugyog-yugyog ko yung kamay niya. 

"Kasi naman... naiiisip ko lang kung... mmm... gusto ko kasi ilabas si Krissy..." sagot niya. 

"Panong ilabas?" tanong ko. 

"Uhm... hehehe... parang date?" sabi niya. 


Okay, so idedate na nya yung babaeng yon?!


"Edi idate mo!" asar kong sabi. 

"Tsk! Di ko nga alam kung pano... help me please please please?" sabi niya sabay pout. 

"Di ako marunong!" sabi ko. 


Eh di naman talaga ako marunong eh, kasi si Zandy palang nadedate ko tsk.

Friendly date pa err...


"E bat parang galit ka dyan?!" tanong niya. 


Tinatanong pa ba yun?!


"E kasi po, istorbo ka! Mag-aral ka muna noh bago yang date date mo! Psh." sagot ko. 

"Ehh basta ahh, pagtapos mag-aral, tulungan mo ko magplano ha ha ha? Please please please?!" pangungulit niya. 


May magagawa pa ba ko?!


"Tsk! Oo na sige wala naman akong choice eh!" sabi ko at bigla niya kong niyakap ng mahigpit na mahigpit. "Aa--aahkkk! Di ako maka--hing-aa Zandy!!!" sabi ko kaya pinukpok ko nga. 

Unlucky I'm In Love with My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon