Jd and Ivan

1.3M 16.9K 5.3K
                                    

Jd's POV

"Babe! Aalis na me!" sigaw ko kay Asha na nasa dining ng bahay namin busy syang nag ku-cooking lesson kasama ni Mom.

Lumabas si Asha sa kusina ng naka apron pa at nagpupunas ng kamay.

"Saan ka pupunta?" tanong nya sakin.

Well it's Sunday and rest day ko, kaya nagtataka sya na naka casual lang ako.

"Uhm .. Jan lang kay Ivan, may pag uusapan kami about sa report bukas." lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

"Totoo ba yan?" di pa naniniwalang tanong nya.

"Oo naman. Tawagan mo pa si Ivan eh." buti na lang di ako si Honesto at ng di lumaki ang ilong ko pag nagsisinungaling.

"Oo na sige na. Umalis ka na."

"Sige Bye." lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa nakahanda kong kotse.

Sa site talaga ako pupunta para simulan ng gawin ang dream house namin ni Asha.

"Good Morning Sir!" bati ng foreman sakin.

Ngayon ang bagsak ng mga semento, graba at buhangin na gagamitin nila. Gusto kong maging hands on sa pag gawa ng bahay kaya naman sinisipat ko ang bawat gawain nila. Gumagastos ako ng malaki para sa pamilya ko.

"Sir! Linggong linggo, talagang di mo pa ako pinatawad? Kasama ba to sa sahod ko?" reklamo agad ni Ivan pagkarating nya.

"Eh kung sabihin kong iba ang bayad neto? Aangal ka pa?"tanong ko sa kanya.

"Yan ang gusto ko sa'yo Dale eh! Madali kang kausap!" sabi nya habang tinatapik tapik pa ang braso ko. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Umpisahan mo na ang trabaho mo!" utos ko sa kanya.

"At kelan pa ako naging construction worker?! Sa pagkakatanda ko Business Administration ang natapos ko ah?!" apela nya ng ituro ko yung mga binababang hallow blocks.

"Diba sineswelduhan kita?!" tanong ko.

"Oo nga Sir! Pero ang uusapan tutulungan kita buuhin ang pangarap mong bahay hindi ang magtrabaho din."

"Eh ano ba yang pinapagawa ko sa'yo? Diba pagtulong yan?"

"Tss. " parang bakla nya akong inirapan. "Ang hirap talaga kumita ng pera ngayon. Tapos ninanakaw pa!" bulong bulong na sabi nya.

"Kay Napoles ka magreklamo wag sakin!" sagot ko.

"O sige tara Sir! Magreklamo tayo dun! Parehas lang naman tayong nanakawan ah?!"

"Hindi ko na kailangan gawin yun, dahil yung ninakaw ni Napoles barya lang yun sa isang wallet ko." pagmamayabang ko.

"Eh baka naman Sir gusto nyong ipahiram sakin ang wallet na yan!" asar ni Ivan.

"Hindi pwede. Savings yun ng mga anak ko."

"Wow Sir! Nasa tyan pa lang may saving ng bilyon! Paano pa kaya pag lumabas na yon?"

"Eh ganoon talaga! Mayaman kami eh!" natatawa na lang na sagot ko.

"Kadamutan mo kamo!" duro nya sakin gamit yung pala. "Parang nung college di ka nangongopya sakin ah? Tandaan mo! Ako ang gumawa ng thesis mo!" gagong Ivan to, ibalik daw ba yung nakaraan.

"Oh tapos? Saksak ko sa baga mo yang pala eh! Parang thesis lang! Baka nakakalimutan mo ako ang tumulong sa'yo para makapag OJT ka sa Aragon!" kami na ang mag boss na nag bibilangan ng ginagawa.

"Dapat lang! Muntikan na kong madrop ng terror nating prof nun dahil nahuli kang nangongopya sakin! Ako tuloy ang naputukan!"

Naalala ko nung nagkokopayahan kami at nahuli ng prof namin, pinagtake kami ulit ng exam, at dahil hindi ako nagreview ay bumagsak ako tapos si Ivan ay pasado. Pero ang loko loko namang Prof namin pinagpalit ang exam papers namin. Lesson daw yun kay Ivan na wag ng magpakopya.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon