Chapter 7 ♬ What was that all about?

68.1K 1.2K 112
                                    

CHAPTER 7 – WHAT WAS THAT ALL ABOUT?

SERENE

Nagising ako sa napakalakas na pag-vibrate ng cellphone na nakapatong sa paanan ng higaan ko. Nangangalumata kong kinapa-kapa ang higaan upang hanapin iyon. Hindi ko maiwasang hindi mainis ng konti. Napaka-aga pa. Sino kaya itong tumatawag?

"Hello?" Humihikab-hikab na bati ko sa kabilang linya. Napakamot pa ako sa ulo at nag inag-inat ng kaunti. Siguradong mukha na akong mangkukulam ngayon dahil sa gulo ng buhok ko pero wala akong pakialam.

"Hey Serene it's me, Reece! Did I disturb you?"

Noong una ay inaantok-antok pa ako. Subalit noong malaman ko kung sino ang tumawag sa akin, tila ba nagising ako ng tuluyan. Bukod kay Julian, si Reece at Sharie ang tatlo sa pinaka matalik kong mga kaibigan. Natutuwa talaga ako na tumawag siya.

"Reece! Oh my gosh, how are you?"

"I'm doing fine."

"Why did you call? Is there something wrong?"

"No no," narinig ko ang matinis niyang pagtawa. "I just want to ask you something."

Umayos ako ng upo. "Alright. Fire away your questions then." Tinanong-tanong niya ako ng kung anu-ano. Kung saan daw ang school ko, address at marami pang mga kakaibang mga tanong. Gusto raw niya detalyado. Akala mo nga pulis na nag-iimbestiga kung makatanong, tuloy-tuloy. Ano kayang binabalak ng babaeng ito? Papadalhan ba niya ako ng kung ano?

Abalang-abala na nagluluto si Ate Desi noong bumaba ako ng hagdan. Napangiti ako noong marinig siyang kumakanta.

"Wow naman ate. Mukhang masaya ka ngayon ah." Ito ang pambati ko sa kanya ngayong umaga. Mayamaya ay papasok na rin ako sa school. Kahit ako hindi makapaniwala na maaga na naman akong nagising. Siguro malaking parte na rin no'n ay ang pagtawag ni Reece kanina. Sana pala palaging gano'n para palagi akong maaga.

"Naku dapat talaga palaging masaya at palaging nakangiti kapag nagluluto para mas lalong sumarap ang pagkain."

"May gano'n ate?" Natatawa kong sagot sa komento niya. "At ano naman po ang niluluto n'yo?"

"Pinakbet. Marami akong nilagay na gulay para masarap." Pagtingin ko roon sa niluluto niya nakita ko na puro gulay nga ang sahog. Sa sobrang dami, nag-uumapaw.

"Ate nilagay n'yo na yata lahat ng gulay sa ref. Ano 'yan ate? Bahay kubo na kahit munti? Ang halaman doon ay sari-sari?" Ang higit na ikinagulat ko ay bigla na niyang tinuloy ang kanta. With matching feelings pa kaya tuluyan akong natawa.

"Ate bahala ka magkaka-asawa ka raw ng matanda kapag ganyan!"

"Naku wala na 'yun. Sa tanda kong ito magkakaasawa pa ba ako?"

"Aba, you'll never know. 'Di ba?"

Natatawa na lamang siyang napailing. "Dapat ikaw ang magkaroon ng asawa. Lalo na bata ka pa."

Kinuha ko ang isang mansanas na nakalagay roon sa isang basket ng prutas malapit sa mga pinaglalagyan namin ng pinggan. "Ako ate? Magkaka-asawa? Boyfriend nga wala eh."

"Magkakaroon ka rin niyan 'wag kang magmadali. Wala ka bang crush sa school n'yo? O kaya manliligaw? Baka may boyfriend ka na pala hindi mo lang sinasabi sa akin ah."

Tumawa ako ng malakas. Si ate talaga kung makapagbiro wagas.

"Feeling ko ate hindi na ako magkaka-boyfriend. Wala namang magkakagusto sa akin." Ang tamis ng mansanas ngunit noong sinabi ko iyon biglang pumait ang panlasa ko. Bigla ko kasing naalala si Pietr.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon