Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader

37.6K 398 39
                                    

Chapter 27

Serene's POV

Sa buong araw pagkatapos ng scene na naganap sa pagitan namin ni Jace ay wala akong ibang ginawa kundi tumambay sa bahay. Pupunta sana ako sa Ellipses gang headquarters pero nagbago ang isip ko. Sa totoo lang ay hindi ko pa napupuntahan yun kahit kailan magmula noong naipatong sa akin ang korona bilang bago nilang gangster leader. Bukod siguro sa ibang myembro ng Ellipses na laging nakasunod sa bawat galaw ko ay wala na akong ibang nakilalang myembro bukod sa kanila. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong feather tattoo sa katawan. Hanggat wala ito ay hindi pa ako officially na ipapakilala sa lahat ng iba pang myembro. 

Pagkatapos ng Battle of the Gang ay agad na bumalik si mama sa Canada dahil sa mga importanteng bagay na kailangan nyang gawin. Dahil dito, na-delay ang pag-aannoint sa akin ni mama bilang kapalit nya sa Ellipses. Hindi kasi ako magiging official leader hanggat walang basbas mula sa dating pinuno at syempre ang selebrasyon ng lahat ng myembro. Kasabay nito ay ang pagtatattoo sa katawan ko ng makasaysayang feather tattoo ng Avana Clan. 

Sa totoo lang ay matagal ko na itong hinihintay. Naiintindihan ko naman si mama kung bakit hindi sya makauwi-uwi rito sa Pilipinas agad agad. Noong nakaraang linggo ay tumawag sya sa akin at sinabing malapit na raw syang umuwi. Kapag nangyari ang araw na yun ay wala na akong mahihiling pa.

Sa selebrasyon na magaganap at sa pagtitinta ng feather tattoo sa katawan ko bilang isa sa kanila, isasabay ko roon ang pagbabasbas kay Niel bilang bagong myembro ng Intricate Gang. Yes he is my guardian, but he is not part of any of my gang. Kasabay ng paglalagay ng feather tattoo sa katawan ko ay ang pagtitinta naman ng musical symbol tattoo sa katawan nya. Nakaisip na nga ako ng codename para sa kanya eh. Excited na talaga akong mangyari yun dahil kapag nagkataon, isa itong malaking selebrasyon. 

Dumaan ang hapon hanggang sa tuluyan na ngang gumabi. Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Bigla akong nakaramdam ng excitement at kilig matapos mabasa ang pangalan ng caller ID. Si Jace.

Pinindot ko ang answer button at itinapat ito sa tenga ko. Hinintay ko syang magsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Magsosorry ba ako? Ano ba ang dapat gawin? Ilang minuto ng katahimikan ang lumipas sa pagitan naming dalawa. Alam kong nasa kabilang linya sya pero tulad ko ay nanatili syang tahimik. Napakagat ako ng labi. 

"I'm sorry."

Nagulat ako matapos marinig na halos sabay namin itong sinabi sa isa't-isa. May umalpas na mahinang tawa sa labi ko dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. Sya naman sa ikalawang banda ay bumuntong hininga ng napakalalim pero hindi ko man nakikita, alam kong nakangiti na rin sya tulad ko. 

"Sorry." Muli nyang sambit. Damang dama ko ang paghingi nya ng tawad sa boses nya. "Galit ka pa rin ba sa akin?" 

Hindi naman ako nagalit. Naiinis lang siguro dahil sa inasta nya kanina. 

"Tampo siguro pero hindi galit."

"I really messed up didn't I?" 

"Konti. Siguro." 

May mapaglarong ngiti ang gumuhit sa labi ko. Kinakabahan ba sya? Very unusual of him.

"Kakauwi ko lang galing work. Wala kaming ibang ginawa kanina sa Physics kundi research lab lang. Sa Math medjo nabored ako dahil wala naman kaming ginawa. Nagpractice kami sa band kanina at hinahanap ka ni Rico. Tapos na rin ang round two para sa try-out sa basketball. Pasok kaming lahat sa team kaya nagcelebrate kaming lahat kanina." 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon