03

88.3K 1.7K 100
                                    


CHAPTER THREE

Five minutes


"Hi. Tam, 'di ba?" nakangiting bati sa akin no'ng babaeng umupo sa katabi kong drafting table.

"Yes. Ikaw? Sorry mahina ako mag-memorize ng names kaya hindi ko natandaan no'ng nagpakilala lahat sa harap kahapon."

She shook her head and flashed me a warm smile. "You don't have to apologize. It's no big deal. I'm Brooklyn by the way, pero Brook na lang."

She's pretty. Morena siya at napakatangos ng ilong. Mahaba rin ang mga pilikmata niya.

"Mas matanda ka nga pala sa akin 'no? I remember, sabi mo kahapon second courser ka and 21 na 'yong age mo," bigla niya ulit sabi.

"Yes, why? Ikaw ba, ilang taon ka na?"

"I'm just 17," nahihiyang sagot niya.

Napangiti tuloy ako. "Don't mind our age gap. You can be comfortable around me. We can be friends."

Bata pa pala masyado ang mga kaklase ko. I wonder if may mga kaedad ako rito?

Maya-maya lang ay natigil kami sa pag-uusap ni Brook dahil dumating na 'yong instructor namin sa Graphics. He's Architect Chavez. Na-meet na namin siya kahapon at ang masasabi ko lang, nakakatakot siya. Sabi ng mga kaklase ko ay nagbibigay raw ng singko si Sir Chavez. Minsan nga ay may nakakakuha pa ng sais. Gano'n daw siya kabangis. That information about him came from the higher year students according to them.

Nagsimulang magsulat si Sir Chaves sa white board sa harapan.

"Grabe. Sobrang perfect naman ng handwriting niya sa board," komento ni Brook. Kahit ako ay napapanganga sa nakikita ko. Normally, pumapanget ang handwriting ng kahit na sino basta sa board nagsusulat, o kung hindi man pangit ang handwriting sa board, hindi ganyan kaganda.

Now I know why he gives a failing grade to his students. Mataas ang expectations niya sa estudyante niya. At kapag hindi mo na-meet 'yong standards niya, babagsak ka.

"That's your plate number one. Plate title, lettering," saad niya pagkatapos niyang magsulat doon sa board.

Kaya pala. Lettering pala ang ipapagawa niya sa amin.

"Sir, saan po isusulat?" tanong no'ng isa naming kaklase na babae.

"1/4 tracing paper," kalmadong sabi ni Sir at agad na nagulantang ang lahat.

Halos lahat kami ay wala pang dalang tracing paper dahil puro vellum board lang ang dala namin. Hindi naman siya nagsabi kahapon ng materials no'ng klase niya.

We heard him laugh. "Dito sa Arki, dapat kumpleto niyo lagi ang materials niyo. Hindi sa lahat ng oras kailangan pa sabihin sa inyo kung ano ang dadalhin niyo. Kaya dapat malaki ang bag niyo at kumpleto ang drafting tools niyo. Tigil-tigilan niyo 'yong mga bag na pangporma lang. Arki ang pinasok niyo, hindi model agency. At nasaan ang T-square niyo? Bakit tube lang ang dala niyo?" Pagkasabi niya no'n ay agad na nagbago ang timpla ng mukha niya.

Woah. Galit na si Sir.

"I'll give you five minutes para humanap ng materials na kulang niyo. Kapag wala pa kayo dito after five minutes, mag-drop na kayo."

What the?

Seryoso?

Agad na nagmadaling lumabas lahat ng estudyante sa klase niya. Ugh. Natataranta ako. Saan ako hahanap ng tracing paper sa loob ng limang minuto?

Agad na nagliwanag ang mata ko nang makita ko ang faculty sa dulo. Dito siguro ang faculty ng mga architect, kung hindi ako nagkakamali.

Agad akong kumatok at sumilip sa loob. Thank God, nakita ko si Ressler. He's busy checking some papers habang nakakunot ang noo.

"Sir," tawag ko sa kanya. Mabuti na lang walang ibang tao sa loob. Nasa klase siguro lahat.

Agad siyang napatingin sa akin at mas lalong nagsalubong ang kilay niya.

"I'm busy, Tam."

"Sir, may tracing paper ka ba? Si Sir Chavez kasi biglaan nagpa—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad siyang tumayo at pumunta doon sa likod ng table niya.

Mula doon ay kumuha siya ng malaking tracing paper at mabilisan siyang naghanap ng cutter.

Suwabe niyang hinati sa ang tracing paper na para bang alam niya na agad kung ano'ng size ang kailangan ko.

Lumapit siya sa akin saka ibinigay sa akin ang tracing paper. "Go back to your room, Tam. And next time, kumpleto dapat gamit mo," kalmado niyang sabi kaya lumapad ang ngiti ko.

"Thank you, Sir!"

Napailing na lang siya saka bumalik doon sa table niya para ituloy ang ginagawa niya.

Nagmadali akong bumalik ng room at laking tuwa ko dahil umabot ako bago i-lock ni Sir Chavez ang pinto.

Nakangiti akong umupo sa puwesto ko at nagtataka namang tumingin sa akin si Brook.

"Nakahanap ka?" tanong niya.

"Yes. Ikaw?"

"Hindi," nakasimangot na sagot niya kaya ngumiti ako.

"May extra naman ako. Sa 'yo na 'yong extra ko," sabi ko saka ko nilapag sa drafting table niya 'yong tracing paper. Mabuti na lang apat 'yong binigay sa akin ni Ressler kanina.

"Thank you. Saan ka nakahanap?"

Napangiti na naman ako bigla ng malapad.

"Sa boyfriend ko," proud na sabi ko kahit hindi ko naman boyfriend si Ressler.


______

Tiana: Kindly vote for this chapter by tapping the star! :") Also, comments are highly appreciated. Thank youuuu!

Smile For Me, ResslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon