Chapter 30: Another Broken Promise

454K 10.7K 2K
                                    

Chapter 30: Another Broken Promise

Zandra's POV


It has been 3 days after the championship.


Sembreak na din ngayon. The following day kasi after that game is the start of our sembreak. Nandito ako ngayon sa bahay at narinig ko na naman yung doorbell.


Agad akong nagtago sa Music room. Dito sa loob ng isang malaking cabinet dito.


Narinig ko na lang si Zandy sa 2nd floor kausap yung maid.


"Ahm ate, si Zandy po?" rinig kong tanong niya sa maid namin. 


"Ah, s-sir Zandrick, wala po ngayon si Zandra dito..." sabi ng maid. Inutos ko talaga na sabihing wala ako. 


"Ha? Wala na naman? E asan na naman siya ngayon?" naguguluhang tanong ni Zandy. 


"S-sa bahay daw po ng pinsan niya ehh..." pagdadahilan ni yaya. 


"Tssk! I know, tinataguan na ko nyan kasi galit sya! Tsk!! Teka alam ko na san magtatago yan..." sabi ni Zandy. 


"Teka po teka!" feeling ko, pinipigilan na ng maid si Zandy para hanapin ako. 


Alam ni Zandy kung san ang taguan ko. For sure, deretcho yun sa master's bedroom... kilala niya talaga ako.


Kasi simula bata, dun ako lagi nagtatago tuwing nagtatampo sa kanya at nagtatago sa kanya. Pero kilala nga niya ako pero tuso pa din ako para magtago dun sa lagi kong tinataguan.


Narinig kong inopen na niya yung door. "Ah eh sir... wala po sya dyan..." 


"Tsk. Zandy?  ZANDY!!! Alam ko andito ka... Zandy, labas na okay? Sorry na please?" if I know, inoopen na nya lahat ng pwedeng iopen dun para lang mahanap ako.


"Sabi naman sayo sir w-wala po si Zandra dito..." 


"Sige po manang..." sabi niya na parang lumungkot yung tono ng boses niya, "pupunta na lang po ako ng music room niya..." 


HALA!!! Manang wag ka papayag!!!


"O sige po sir..." pagpayag ni ate. Hala, naririnig ko na footsteps nya paakyat dito waaaa!!!


*creeaakk*


Oh no... Nandito na siya. 


"For sure..." malungkot na sabi niya, "pupunta dito yun mamaya. Iiwan ko na lang dito." 


Ha? Anong iiwan niya? Next thing I knew, tumutugtog siya ng piano. Tinugtog nya yung favorite symphony ko. 


Unlucky I'm In Love with My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon