twentiituu

127 9 5
                                    

Bern Point of View

Papasok na ako sa school. Male-late na nga ako eh. Malapit na, pero nandito parin ako sa tapat ng bahay.

Hinihintay ko nga si Ice dahil kasabay ko siya pumasok. Pero walang Ice na dumating. May lilinawin pa naman ako.

Maya-maya ay nakarinig ako ng busina ng kotse at saktong huminto ito sa tapat ko. Bumukas naman ang bintana nito at laking gulat ko ng bunungad sa akin ang nakangitng si Fuego. "Magandang umaga, prinsesa.."

Napangiwi naman ako sa sinabi niya atsaka ngumiti. "M-magandang umaga."

"Tara, sabay ka na."

"Ha?" tanong ko bilang paninigurado kung tama ba ang narinig ko. Inaaya niya ba talaga ako?

Natawa naman siya. "Sabi ko, hatid na kita sa school mo."

"Ay 'wag na. Hehe. Nakakahiya naman. Kaya ko naman maglakad na lang eh. Salamat."

"Wag ka ng mahiya. Sige na, anong oras na. Baka ma-late ka talaga nyan."

"Pero kasi.."

Bigla na lang bumukas 'yong bintana ng kabila at laking tuwa ko ng makita si Ice. "Dali na. Arte pa." walang gana nyang sabi.

Ay, cold? Anyare?

"Narinig mo naman best friend mo, tara na."

Wala na nga akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse. Bumaba si Fuego saka pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. Hindi na lang ako umimik at nagreklamo na gusto ko katabi si Ice.

Kaya buong byahe katabi ko si Fuego. Kinikilig parin naman ako pero wala na 'yong spark na naramdaman ko katulad ng dati. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil kay Ice. Kasi ginugulo niya ang isip ko ngayon. Siguro rin ay dahil sa sinabi niya noong nakaraan sa Park. Hindi ko parin makalimutan.

Patingin-tingin lang ako sa rare mirror para makita siya at minsan ay nagtatama ang tingin namin kaya napapaiwas siya ng tingin.

Dumating 'yong point na mkating-kati na 'yong bibig ko na magsalita at tanungin na si Ice. "Uhm, Ice.."

"Dito na tayo." walang ekspresyong sabi niya nang saktong huminto ang kotse sa tapat ng gate ng school namin. Agad naman siyang lumbas at nagpaalam kay Fuego saka iniwan na ako.

Na-disappoint ako.

Noong nakaraan ay hindi naman siya ganyan ah? Never niya pa ako iniwan at hindi kinausap dati. Ngayon lang.

"Ehem!" ubo ni Fuego. Pero sa tingin ko ay ubu-ubuhan lang.

Napatingin naman ako sa kaniya. "Ahh salamat pala sa paghatid." sabi ko saka tinanggal na 'yong seatbelt ko saka lumabas. "Sige, dito na ako. Ingat ka sa pagmamaneho. Bye!" nakangiti kong sabi.

"Mamaya susundin kita. Inahahatid kita pauwi." sabi niya saka kumindat.

"Ay 'wag na. Abala pa 'yon sayo." gusto ko sana kaya lang nakakahiya 'yon.

"Hindi ka abala. It's just a responsibility of a guy when he courts someone he likes kaya ayos lang 'to." nakangiti niya pang sabi. "So, mamaya na lang, okay? Bye!" aniya saka isinara na 'yong windsheild ng kotse saka pinatakbo na ito.

At ako ngayon ay naiwang tulala.

Ano daw? Liligawan niya daw ako? For real? Si ultimate crush? Si Fuego? Liligawan ako? Kyaah~!

Cold Melts (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon