CHAPTER 232

2.8M 60K 132K
                                    

DEIB'S POV

ISANG BUONG LINGGO ang dumaan nang para bang milenyo. Buong linggo rin akong nanatili sa kwarto. Alam ko kung gaano na katindi ang pag-aalala ng pamilya ko. Kahit sa lapag ng kama ko ay natutulog si mommy, mabantayan lang ako. Hindi ako umiyak. Hindi ako nagmaktol. Hindi ako naghanap. Nandoon lang ako sa kwarto, magdamag na tulala sa bintana. Buong linggo akong tahimik na nag-iisip, binabalikan ang magagandang nangyari sa 'min ni Taguro. Nandoon pa rin ang lungkot, tumitindi pa rin ang sakit. Pero hindi ko mababago kung nasaan ako ngayon, at iyon ang kailangan kong pagdaanan.

Pero ang araw na iyon ay tila ba kakaiba sa mga nagdaang araw. Marahan kong iminulat ang mga mata ko, tubig agad ang hinanap ng katawan ko.

Dumeretso ako sa banyo, naligo at inayos ang sarili ko. Inalis ko ang mga nagtubuang balbas at bigote sa mukha ko. Ang buhok ko ay inayos ko gaya nang madalas kong ayos do'n. Matapos niyon ay dumeretso ako sa closet at namili ng isusuot.

Nasa gano'n naman akong sitwasyon nang pumasok si mommy. "You're early, baby." Hindi naitago ni mommy ang gulat. Mabilis siyang lumapit sa 'kin at sinuyod ng tingin ang kabuuan ko. "Are you going somewhere?" nando'n agad ang pag-aalala sa kaniya.

Humugot ako nang malalim na hininga saka isinuot ang itim na polo. "Pwede ba tayong pumuntang Palawan ngayon?"

"Palawan?" nagugulat lalo niyang tanong. Hindi ko sumagot. "Aba, syempre naman! Ilang oras lang naman ang papunta ro'n, anak. Walang problema," naghalo ang gulat at alinlangan sa tinig niya. Alam kong sinabi niya iyon para hindi na pasamain pa ang loob ko. Alam kong gusto niya akong tanongin pero pinili niyang pumayag na lang. Dahil sa sandaling iyon, gagawin nila ang lahat para lang umayos ang lagay ko. Pero walang gano'n. Wala nang paraan para umayos ang nararamdaman ko.

"Cool," pilit ang ngiting sabi ko. "Mag-eempake na 'ko."

Napalunok si mommy saka pilit ang ngiting tumango. "Magpapa-book ako. Naku, napakadali lang naman kumuha ng ticket," isinenyas niya pa ang pinto, nagpapaalam.

Sinundan ko ng tingin si mommy habang isinasara ang butones ng polo ko. Saka ako bumaling sa cabinet at inilabas ang ilan sa mga damit ko. Matapos magbihis ay saka ko isa-isang isinalansan sa maleta ang mga dadalhin.

"Hello?" Habang naghahanda ng iba pang dadalhin ay tinawagan ko si Tob. "Napatawag ka, Deib?" Hindi niya inaasahan ang tawag ko pero hindi rin siya nagpahalatang nabigla.

"Pupunta tayo ng Palawan."

Hindi agad siya nakasagot. "Ang lapit, 'dre, hehehe," pilit ang tawa niya. "Sakto, 'dre, kating-kati akong gumala."

"Nag-eempake na 'ko, Tobi."

"Ayos 'yan, 'dre, pwedeng ma-late nang kaunti?"

Nangiti ako. Hindi man lang siya nag-alinlangan. Iyon ang kaibigan ko. "Hihintayin ka namin."

"Tawagan mo na si Lee, 'dre."

"Sige," malungkot akong ngumiti. "Salamat, Tob."

Narinig ko siyang bumuntong-hininga sa kabilang linya. "Para sa 'yo, 'dre," sinsero niyang sinabi. "Saka bago kasi 'yong vilebrequin trunks ko." Tumawa siya sa huli. "Hintayin mo na lang ako diyan, 'dre, kikilos na 'ko." Mabilis niyang ibinaba ang linya.

Nakangiti akong umiling saka idinial ang numero ni Lee. "Kumusta, Lee Roi Gozon?"

"Ayos lang, Deib Lohr Enrile," sa tono niya ay nasisiguro kong nakangisi siya. "Did you miss me?"

"Tch," natawa akong talaga. "May pasok ka?"

"Wala," agad niyang sagot. "Sa'n ang lakad natin?"

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon