S.C 3

102K 2.3K 264
                                    

Dedicated SA INYO na nag vote, nag comment at nagshare nang storya na'to. Maraming-maraming salamat.

Enjoy😊

*****
Nagising ako eksaktong five am. Napatingin ako kay Angela na mahimbing na natutulog sa aking tabi.

"Good morning Angel." I kissed her nose.

Gumalaw sya pero hindi nagising.

Ngumiti ako at bumangon.

Tinimpla ko iyong gusto nyang gatas na may oats at nagluto narin ako nang almusal namin para mamaya.

Wala kaming stay in na katulong. Pumupunta lang dito ang tagapaglinis three times a week.

Napagkasuduan namin ni Angela iyon.

Gusto namin na kami lang sa bahay. At kapag nanganak na sya kami lang din ang mag-aalaga. Pareho naming ayaw na magyaya.

Si Aling Nena na tagapagluto ay pinagbakasyon ko muna, dahil nga luto ko lang ang gusto kainin nang asawa ko.

Pagbalik ko nang kwarto, eksaktong paglapag ko ng baso umupo mula sa pagkakahiga si Angela at inabot ang gatas na gawa ko.

"Careful Angel its hot."

Tumango lang sya sa sinabi ko at tuloy-tuloy parin sa pag-inom.

"Sarap." She said pagkatapos ay nakapikit na ngumiti.

"Really?"

Tumango sya nakapikit pa din.

"Magtitimpla ako mamaya. Four months ko nang tinitimpla yan ngayon ko lang narealize na hindi ko pa pala natitikman." I said na naupo sa tabi nya.

Ngumiti sya. She opened her eyes.

Tinigan ako nang asul nyang mga mata. Namumungay iyon dahil sa antok.

"You want to taste it Ylan?" She asked huskily.

Kumunot ang noo ko pero tumango ako.

Hindi ko pa natatapos ang pagtango nakaupo na sya bigla sa kandungan ko at hinahalikan ako.

Her mouth taste like milk and oats. So ito ang ibig nyang sabihin.

Napaungol ako at niyakap sya.

Lumalim ang halikan namin dalawa.

Humihingal na nilayo ko ang mukha ko sa kanya.

"We should stop Angel." Nahihirapan na sabi ko.

Kailangan kong pigilan ang sarili ko.

For fuck sake! Buntis sya.

Umungol sya bilang pagtutol at hinalikan ako sa leeg.

"Why?" Anas nya.

"Y-youre pregnant" nakagat ko nang mariin ang labi ko.

Shit! Natatangay ako.

"And?" Gumapang ang kamay nya pababa sa dibdib ko.

"Shit! Angel hindi pwede." Pinigilan ko ang kamay nya.

Huminto sya sa paghalik at nakasimagot akong tinignan.

"Bakit nga?"

"Angel buntis ka." Ulit ko sa sagot ko.

"So?"

Natigilan ako.

"B-baka, masaktan." Mahinanang sabi ko na napasuklay sa buhok.

"Anong masaktan?" Takang tanong nya.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon